14/02/2025
π½πΌπππ πΏπΌππΌπ ππΌππππ ππ½πππ ππ ππππ ππΌπππππππΌπ?
Sa talaan ng mga government sites, maraming resibo ang makukuha ukol sa mga batas na naiambag ni Kiko sa senado nuong siya ay manungkulan. Kabilang na rito ang mga sumusunod:
1. Sagip Saka Act (RA 11321):
Ang batas na ito ay nagbigay daan sa milyon-milyong magsasaka at mangingisda na magkaroon ng direktang access sa mga merkado para sa kanilang mga produktong pang sakahan/mula sa pangisdaan.
2. Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344) : Binigyang pansin ng batas na ito ang pangangailangan ng mga paslit lalo na sa kanilang proteksyon mula sa mga pang-aabuso.
3. Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) amendments): Mas naging modernisado ang mga programa para makatulong nang husto sa mga magsasaka at mangingisda.
4. Anti-Agricultural Smuggling Act (RA 10845): Ipinaglaban ni Kiko Pangilinan ang karapatan ng mga manggagawang pang agrikultura, kanyang sinupil ang mga smugglers na mapang-abuso sa ating bansa.
5. Judiciary Compensation Act (RA 9227): Tinaasan nya ang sweldo ng mga judicial personnel para mapabilis ang sistema ng hustisya sa ating bansa.
Iilan lang yan sa mga dahilan bakit dapat nating ikampanya at iupo si Kiko Pangilinan sa senado. Ramdam at makikita sa kanya ang sinserong paglilingkod para sa ikauunlad ng ating bansa.