Parish Youth Council - Sts. Peter and John Parish

Parish Youth Council - Sts. Peter and John Parish Teaching young people in the church to grow in their relationship with the Lord prepares them to serve Christ in all they do.

CALLING ALL ASPIRING ACTORS & DISCIPLES! 🌟Gusto mo bang maging bahagi ng La Pieta 2026? Ngayon na ang chance mo! Magkaka...
10/02/2026

CALLING ALL ASPIRING ACTORS & DISCIPLES! 🌟

Gusto mo bang maging bahagi ng La Pieta 2026? Ngayon na ang chance mo! Magkakaroon tayo ng audition para sa roles nina Salome, Hakobe, Babaeng Jerusalem, at Mary Magdalene, mananayaw at iba pa ngayong February 11 (1:00pm) sa ating PYC Office.

Bukod sa audition, maglalatag din tayo ng ating upcoming plans at practice schedules. Open ito para sa lahat, bagong salta man o datihan na! Ipakita ang inyong passion at galing para sa ating parokya. 💛

📌 Magkita-kita tayo sa Sts. Peter and John Parish! Be on time, everyone! ✨



09/05/2025

Sa murang edad, tangan na ang dedikasyon—hindi hadlang ang layo, pagod, o payak na lugar. Kahit saan, kahit kailan, patuloy ang ensayo. Sapagkat ang talento’y hindi basta regalo—ito’y misyon, ito’y panata. Sa bawat kumpas, sa bawat galaw, naroon ang dasal; sa bawat hakbang, naroon ang biyaya. Ang mga batang lingkod ng simbahan, buong pusong hinuhubog ang kaloob ng Ama—kasama ang Kanyang liwanag, sa paglinang ng galing, sa pag-alay ng sarili.

Habemus Papam! Rejoice, Church! With joyful hearts, we welcome Pope Leo XIV! May the Lord pour out His blessings upon hi...
08/05/2025

Habemus Papam!

Rejoice, Church! With joyful hearts, we welcome Pope Leo XIV! May the Lord pour out His blessings upon him and guide him with wisdom, love, and strength as he leads the faithful. Let us keep him in our prayers as a new chapter unfolds in the life of the Church.

17/04/2025

"KATAHIMIKAN"

Isa sa mga sangkap na ating kailangan upang tunay na mas mapalalim ang diwa ng kwaresma.

Panoorin, Pakinggan, at Damhin ang muling pagbibigay-buhay sa kamatayang sinapit ng Kordero ng Diyos upang mailigtas ang makasalanang sanlibutan.

Inihahandong ng Parish Youth Council ang "La Pieta" (2pm) at "Paglilibing" (7pm) mamaya. Abril 18, 2025 sa parokya ng San Pedro at San Juan💕✨

11/04/2025

Unang pag-awit at pagsasalaysay ng pasyong mahal.

Opisyal na sinumulan ng ating mga kaparokya kasama ang Parish Youth Council ang unang awit at salaysay ng Pasyon ng Kordero.

Ang taunang pabasang ito ay patuloy na pinagyayaman ng ating simbahan upang gunitain at pagnilayan ang sakripisyo ng ating mahal na poong si Hesus. Isang pangunahing pagpapakita ng panata at debosyon bilang pasasalamat sa Diyos.

Pisanin na ang bawat miyembro ng inyong pamilya, mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay upang sama-sama nating pagnilayan at pasalamatan ang walang hanggang pag-ibig ng Kordero ng Diyos.

Address

34 Orange Road, Potrero
Malabon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Youth Council - Sts. Peter and John Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share