13/11/2025
Balitang Be Nice para sa UMak Graduating Students!
Naipasa na ang City Ordinance No. 2025-A-030 na magbibigay ng P5,000 cash incentives para sa lahat ng magtatapos sa University of Makati (UMak).
Layunin ng programang ito na tulungan ang mga bagong graduates sa kanilang paghahanda sa paghahanap ng trabahoโlalo na sa gastusin para sa pagkuha ng mga dokumento, clearances, at pamasahe.
Ang ordinansa ay ipatutupad sa 2026.
Ang ordinansa ay akda nina Coun. Joel Ariones, Coun. Mayeth Casal-Uy, Coun. Ferdie Eusebio, Coun. Dino Imperial, Coun. Arlene Ortega, Coun. Levy Ramboyong, Coun. Kristina Sarosa, Coun. Bernadette Sese, Coun. Bel Vitales, Coun. King Yabut Jr., at Coun. Tristan Pangilinan.
Kung matatandaan, si Mayora Ate Nancy ay isa sa mga co-author ng Republic Act 11261 o First Time Jobseekers Assistance Act. Nilalayon ng batas na ito na tulungan ang mga bagong graduates at first-time jobseekers sa pamamagitan ng libreng pangunahing government documents.