07/10/2026
IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA MAGBIBIGAY-KARANGALAN SA ATING PAARALAN?
May angking galing at determinasyon ka ba sa badminton? Ito na ang pagkakataon mong ipakita ang iyong talento at maging bahagi ng ating koponan!
Inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong mag-aaral na sumali sa BADMINTON TRY-OUT ng Ramona S. Tirona Memorial School para sa mga susunod na kompetisyon.
- Petsa: Nobyembre 7, 2026 (Sabado)
- Oras: 8:00 AM – 11:00 AM
- CALL TIME: 7:30 AM
- Lugar: RSTMS Covered Court
- Mga Dapat Dalhin: 🏸 Badminton racket 👕 Extra shirts 🥤 Tumbler 🍪 Snacks
Huwag palampasin ang pagkakataong maipakita ang iyong husay, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng badminton.
Tandaan, ang bawat kampeon ay nagsimula sa lakas ng loob na sumubok!
Maging handa. Magpakitang-gilas. Ipagmalaki ang RSTMS!
Ikaw ang susunod na kampeon. Ikaw ang susunod na magbibigay-karangalan sa ating paaralan!
📌The registration link will be sent to your respective section group chat. Please check your group chat regularly and make sure to accomplish the registration form once the link is posted.