St. John Mary Vianney Parish Youth Ministry (Makati City, Philippines)

  • Home
  • St. John Mary Vianney Parish Youth Ministry (Makati City, Philippines)

St. John Mary Vianney Parish Youth Ministry (Makati City, Philippines) The SJMV YM Purpose Statement:
To REACH OUT to young people,
To PRAISE God,
To SHARE our lives.

"Mapalad ang mga gumagawa ng kapayapaan, sapagkat sila'y tatawaging mga anak ng Diyos" Mateo 5:9
13/04/2026

"Mapalad ang mga gumagawa ng kapayapaan, sapagkat sila'y tatawaging mga anak ng Diyos" Mateo 5:9

UPDATE: This is the full and exact quote of Pope Leo, delivered in English to journalists aboard his flight to Algeria.

"I have no fear of neither the Trump administration nor of speaking out loudly about the message of the Gospel. And that’s what I believe I am called to do and what the Church is called to do. We're not politicians. We're not looking to make foreign policy, as he calls it, with the same perspective that he might understand it. But I do believe that the message of the Gospel, “blessed are the peacemakers,” is a message that the world needs to hear today.”

13/04/2026
“𝑭𝒐𝒓 𝑮𝒐𝒅 𝒔𝒐 𝒍𝒐𝒗𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝑯𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝑯𝒊𝒔 𝒐𝒏𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝑺𝒐𝒏, 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐 𝒃𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆𝒔 𝒊𝒏 𝑯𝒊𝒎 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒏𝒐𝒕 𝒑𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉 𝒃𝒖𝒕 𝒉𝒂...
08/04/2026

“𝑭𝒐𝒓 𝑮𝒐𝒅 𝒔𝒐 𝒍𝒐𝒗𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝑯𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝑯𝒊𝒔 𝒐𝒏𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝑺𝒐𝒏, 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒘𝒉𝒐 𝒃𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆𝒔 𝒊𝒏 𝑯𝒊𝒎 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒏𝒐𝒕 𝒑𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉 𝒃𝒖𝒕 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒆𝒕𝒆𝒓𝒏𝒂𝒍 𝒍𝒊𝒇𝒆.” – 𝑱𝒐𝒉𝒏 3:16

Sa paggunita ng Biyernes Santo, muling binigyang-buhay ng kabataan ng San Juan Maria Vianney ang pagpapakasakit ni Kristo.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Direktor Debbie Bawaan at katuwang na director Andrei Gamoso sa kanilang pamumuno, paggabay, at dedikasyon sa likod ng matagumpay ma pagsasadula.

Pasasalamat din sa lahat ng kabataang nag-alay ng kanilang oras, talento, at puso upang maiparating ang mensahe ng pananampalataya, sakripisyo, at walang hanggang pag-ibig ng Panginoon. Nawa'y patuloy natin ibahagi ang ating mga talento.

Lubos din ang aming pasasalamat sa walang sawang sumuporta, at sa lahat ng nagbahagi ng kanilang biyaya upang maisakatuparan ang gawaing ito. Maraming salamat po sa inyong dalisay na puso. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng ating Panginoon.

Maraming salamat! 💙



Ngayong Semana Santa 2026, ating kilalanin ang mga kabataang may dedikasyon at pananampalatayang magtatanghal at magbibi...
02/04/2026

Ngayong Semana Santa 2026, ating kilalanin ang mga kabataang may dedikasyon at pananampalatayang magtatanghal at magbibigay-buhay sa mga makabuluhang karakter ng 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Sama-sama nating tunghayan at pagnilayan ang kadakilaan ng ating Tagapagligtas sa darating na 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟐 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧, dito sa 𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐲 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞𝐲 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡, 𝐍𝐚𝐫𝐫𝐚 𝐒𝐭., 𝐂𝐞𝐦𝐛𝐨, 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲.

Isang makabagbag-damdaming pagtatanghal ang dapat abangan—puno ng pananampalataya, sakripisyo, at pag-ibig na muling magpapaalala sa atin ng Kaniyang dakilang paghahandog para sa sangkatauhan.



28/03/2026

✝️ 𝐇𝐨𝐥𝐲 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐒𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞 𝐨𝐟 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔 ✝️

Magandang Araw, mga Kaparokya!

Narito ang ating 𝐇𝐨𝐥𝐲 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐒𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞 𝐨𝐟 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔 bilang gabay sa ating sama-samang paglalakbay sa pinakamahalagang panahon ng ating pananampalataya.

Ang Mahal na Araw ay paanyaya sa bawat isa na magnilay sa pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Sa mga araw na ito, tayo ay inaanyayahang maglaan ng oras para sa panalangin, pagsisisi, at mas malalim na pakikiisa sa Kanya.

Patuloy po tayong mag-antabay sa ating official parish page para sa iba pang mga paalala at anunsyo.

Matagumpay na naisagawa ng ating mga kabataan ang kanilang rehearsal nitong nakaraang Sabado at Linggo para sa pagtatang...
24/03/2026

Matagumpay na naisagawa ng ating mga kabataan ang kanilang rehearsal nitong nakaraang Sabado at Linggo para sa pagtatanghal ng Pasyon at Sakripisyo ni Kristo.

Inaanyayahan po namin ang lahat na suportahan at ipanalangin ang acting mga kabataan habang patuloy silang naghahanada para sa banal na pagtatanghal sa darating na Good Friday.

Muli natin saksihan ang kanilang dedikasyon at pananampalataya. Sabay-sabay natin pagnilayan ang wagas na pag-ibig ng Diyos.

Kung nais po ninyo na magbahagi ng pinansyal na suporta, maaari po kayong magpadala sa:

GCash: +639174715599
BPI Account: 3649-2782-79
Account Name: Aiziel Joy Maravilla

Maraming salamat sa inyong suporta! Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon nang masagana. 💗✨


🎭 𝐂𝐚𝐥𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 | 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔Ang 𝐒𝐉𝐌𝐕𝐏 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 ay kasalukuyang naghahanda para sa 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭...
16/03/2026

🎭 𝐂𝐚𝐥𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 | 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ang 𝐒𝐉𝐌𝐕𝐏 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 ay kasalukuyang naghahanda para sa 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔, isang makabuluhang pagsasadula ng pag-ibig, sakripisyo, at pananampalataya ni Kristo.

Upang maisakatuparan ito, kami po mapagkumbabang humihingi ng inyong 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐥 para sa mga props, kasuotan, at iba pang mahahalagang pangangailangan sa aming pagtatanghal.

Ang inyong kabutihan at tulong, maliit man o malaki, ay isa nang malaking ambag upang maibahagi namin ang mensaheng ito sa ating komunidad. 🙏

Kung nais po ninyo magpadala ng tulong, maaari kayong magpadala ng inyong donasyon sa pamamagitan ng 𝐩𝐚𝐠-𝐬𝐜𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐑 𝐜𝐨𝐝𝐞𝐬.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa mga kabataang naglilingkod! ❤️


"Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its vari...
15/03/2026

"Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its various forms." 1 Peter 4:10

Isang matagumpay na workshop at casting ang isinagawa bilang paghahanda sa pagtatanghal ng Instruments of Passion 2026. Dito ay inihanda ang mga kabataan sa kanilang gagampanang papel, habang sabay na pinapalalim ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng aktibidad na ito.

Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong mahasa ang kanilang talento at mas maihanda ang kanilang sarili sa paglilingkod.

Bilang paghahanda para sa darating na Instruments of Passion ngayong Biyernes Santo, nagsagawa ang Youth Ministry ng mga...
15/03/2026

Bilang paghahanda para sa darating na Instruments of Passion ngayong Biyernes Santo, nagsagawa ang Youth Ministry ng mga formation upang ihanda ang mga kabataan na kabilang sa aktibidad. Sa pamamagitan nito, napaghandaan nila ang kanilang mga gagampanan at mas naunawaan ang kahulugan ng bawat instrumento na naging bahagi ng pagpapakasakit at sakripisyo ni Hesus. Sa pamamagitan din nito, mas napalalim ang kanilang pananampalataya at pagninilay.

Nawa’y nagsilbi itong paalala sa mga kabataan na patuloy na naglilingkod at nag-alay ng kanilang oras at talento para sa Diyos. 🙏

🎭 Casting Call | Instruments of Passion 2026Inaanyayahan ng SJMVP Youth Ministry ang mga kabataang na makibahagi sa Inst...
27/01/2026

🎭 Casting Call | Instruments of Passion 2026

Inaanyayahan ng SJMVP Youth Ministry ang mga kabataang na makibahagi sa Instruments of Passion 2026, isang banal na pagsasadula ng pag-ibig, sakripisyo, at pananampalataya ni Kristo.

📆 Casting Period: Enero 25 - Pebrero 8, 2026
👥 Bukas sa edad 10 pataas

Para sa mga interesadong sumali:
Mag-sign up sa pamamagitan ng QR code o sagutan ang Google Form: https://forms.gle/8RayCGJfQXriVqaNA

Sama-sama nating ipahayag ang ating pananampalataya at palalimin ang ating ugnayan sa Diyos bilang isang kabataan.

Para sa mga katanungan at karagdagang detalye, maaaring i-message ang aming page o makipag-ugnayan sa kahit sinong PYM Core Member.

Jesus said, "Let the little children come to me and do not hinder them, for the Kingdom of Heaven belongs to such as the...
31/12/2025

Jesus said, "Let the little children come to me and do not hinder them, for the Kingdom of Heaven belongs to such as these" Mt. 19:14 ✨

Noong ika-27 ng Disyembre, matagumpay na naisagawa muli ng ating Parish Youth Ministry ang Kid’s Fair para sa taong 2025. Muling nakiisa rito ang mga kabataang buong pusong dumalo sa mga araw ng Simbang Gabi at masipag na nag-ipon ng kanilang mga stamps 🥳

Sa lahat ng mga batang nakilahok, sa ating mga sponsors, facilitators, at sa ating kura paroko na si Rev. Fr. Lari Abaco, maraming salamat sa inyong taos-pusong suporta at kabutihang-loob! 🥰

Magkita-kita po ulit tayo sa susunod na Kid’s Fair! 💙🙏🏻

🎉 KIDS’ FAIR NA!! 🎉Inaanyayahan ang lahat ng mga batang may hawak na stamp cards na makibahagi sa ating Kids’ Fair. Ang ...
27/12/2025

🎉 KIDS’ FAIR NA!! 🎉

Inaanyayahan ang lahat ng mga batang may hawak na stamp cards na makibahagi sa ating Kids’ Fair. Ang pamimigay ng regalo ay mula 9:00 AM hanggang 11:30 AM, kaya’t siguraduhing makapunta sa itinakdang oras.

Halina’t sabay-sabay nating ipagdiwang ang kasiyahan at pagmamahal para sa ating mga kabataan! 🎁✨

Address

St. John Mary Vianney Parish, Narra Street

1214

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John Mary Vianney Parish Youth Ministry (Makati City, Philippines) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to St. John Mary Vianney Parish Youth Ministry (Makati City, Philippines):

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share