25/10/2025
14IB Kinondena ang Pekeng Balita ng ‘Villagers Point 2.0’; Isinawalat ang Propaganda ng CTG”
Mariing pinabulaanan at kinondena ng 14th Infantry (Avenger) Battalion, Philippine Army ang malisyoso at walang basehang post ng page na “Villagers Point 2.0”, na nagsasabing sangkot umano ang yunit sa isang “tanim-baril” na insidente sa Barangay Caraye, Javier, Leyte.
Ang nasabing post ay isang gawa-gawang kwento at malinaw na disinformation campaign na pinapalaganap ng komunistang teroristang NPA at ng kanilang mga tagasuporta online upang linlangin ang publiko, baliktarin ang katotohanan, at sirain ang imahe ng militar.
Noong Oktubre 15, 2025, nagsagawa ng lehitimong operasyon ng 14IB sa Barangay Caraye, Javier, Leyte bilang tugon sa sumbong ng mga residente na pagod na sa pananakot at pangingikil ng mga komunistang teroristang NPA. Dahil sa tulong ng mga mamamayan na ayaw na sa presensya ng mga komunistang terorista, matagumpay na nakarekober ang tropa ng isang (1) improvised garand rifle, mga bala, at iba pang kagamitang militar na iniwan ng mga tumakas na miyembro ng komunistang teroristang NPA matapos ang sagupaan.
Ang umano’y pahayag ng komunistang teroristang NPA na ipinakalat ng Villagers Point 2.0 ay isang tipikal na propaganda upang pagtakpan ang kanilang pagkatalo at lituhin ang isip ng mga mamamayan.
Isa itong bahagi ng kanilang “fake news” at black propaganda na layuning sirain ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno at sa mga sundalo na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa mga pamayanan.
“Mariin naming itinatanggi ang mga kasinungalingang ito. Ang post ng Villagers Point 2.0 ay isang lumang taktika ng mga komunistang teroristng grupong NPA para maghasik ng galit at kalituhan. Huwag tayong magpapalinlang sa mga ganitong pekeng balita na ginagamit para sirain ang ating pagkakaisa,” LTC ESMERALDO L. SUMALINOG INF (GSC) PA, Acting Commanding Officer, 14IB.
Mananatiling nakatuon ang 14IB sa pagtatanggol sa mamamayan, pagpapanatili ng kapayapaan, at pagsuporta sa mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan.
Hinihikayat din ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikita sa social media at i-report sa mga awtoridad ang mga account na ginagamit ng CTG para sa kanilang malisyosong propaganda.
fans DILG Southern Leyte Civil Relations Service Armed Forces of the Philippines DILG Leyte Province National Amnesty Commission 803rd Infantry Peacemaker Brigade, Philippine Army National Task Force to End Local Communist Armed Conflict 8th CMO "Dangpanan" Battalion, CMOR, PA Radyo Pilipinas Sogod 104.7 FM AFP Radio DWDD