01/05/2025
"Datuism vs. Moral Governance"
Kapag ang mga Datu,
o mga political clans,
ay tumututol sa moral governance...
hindi lang ‘yan laban sa sistema—
laban ‘yan sa mismong prinsipyo ng pagbabago.
Kasi ang moral governance,
hindi lang ito slogan o pang-kampanya.
Ito’y panata—
para sa katapatan,
para sa hustisya,
para sa tunay na serbisyo sa masa.
Ang totoo?
Hindi naman sila takot sa good governance.
Takot sila mawalan ng hawak.
Takot silang mawala ang trono
na minana, hindi pinagpaguran.
Sa sistemang ang apelyido ay alas,
at ang katapatan ay kayang bayaran—
moral governance ang sumisira sa luma nilang laro.
Kasi dito, hindi sapat ang apelyido.
Kailangan may galing.
May dangal.
May paninindigan.
At ‘yan ang ayaw nilang harapin—
ang katotohanang hindi lahat ng lider ay tunay na karapat-dapat.
Pero itong banggaan na ‘to—
Datuism laban sa reporma—
hindi maiiwasan.
At hindi na dapat iwasan.
Dahil hanggang hawak pa rin nila ang sistema,
hanggang sila pa rin ang batas,
hanggang takot pa rin ang bumabalot sa halalan...
walang tunay na demokrasya.
Walang tunay na pagbabago.
Ang BARMM, hindi tayo binigyan ng awtonomiya
para lang ibalik sa kamay ng iilan.
Ipinaglaban natin ‘to—para sa lahat.
Kaya ngayong 2025,
ang tanong:
Sino ang panig mo?
Yung mga datung matagal nang naniniwalang sila ang may-ari ng bayan?
O yung gobyernong naninindigan na ang tunay na boss… ay ang taumbayan?
Tama na ang trono.
Panahon na ng serbisyo.