Katipunan ng mga Mangingisda sa Lamon at Tayabas Bay

  • Home
  • Katipunan ng mga Mangingisda sa Lamon at Tayabas Bay

Katipunan ng mga Mangingisda sa Lamon at Tayabas Bay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Katipunan ng mga Mangingisda sa Lamon at Tayabas Bay, Nonprofit Organization, .

Ang Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng d...
09/06/2026

Ang Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) ay isang batas sa Pilipinas na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.

Proteksyon at Karapatan: Ipinagtatanggol nito ang mga kababaihan laban sa lahat ng uri ng karapatahasan (gaya ng domestic violence) at pang-aabuso.

Pagkakapantay-pantay: Tinitiyak nito na may pantay na oportunidad ang mga babae sa trabaho, edukasyon, pampolitikang pamumuno, at sa ilalim ng batas.

Suporta sa mga Marangal/Marginalized: Nagbibigay ng espesyal na pansin at tulong sa mga kababaihang mahihirap, matatanda, may kapansanan, at mga nasa malalayong lugar (gaya ng mga magsasaka at mangingisda).

Kalusugan: Ginagarantiyahan nito ang komprehensibong serbisyong pangkalusugan para sa mga kababaihan, kasama na ang 2-month paid leave para sa mga sumailalim sa operasyon dahil sa mga sakit sa matris o gynecological disorders.

Sa madaling salita: Ito ang batas na sumisiguro na ang mga kababaihang Pilipino ay ligtas, may boses, at may patas na laban sa lipunan.

Mga ka-alaGAD! Alam mo ba kung para kanino ang RA 9710 o ang Magna ...

Huwag hayaang ubusin ng malalaking sandok ang para sa maliliit na bangka! 🛑🐟​Ang municipal waters ay protektadong espasy...
08/06/2026

Huwag hayaang ubusin ng malalaking sandok ang para sa maliliit na bangka! 🛑🐟
​Ang municipal waters ay protektadong espasyo para sa ating mga lokal at maliliit na mangingisda.

Karapatan nating mga kababaihan sa baybayin na magbantay, mag-ingay, at manindigan laban sa iligal at mapanirang komersyal na pangingisda rito.
​Ipagtanggol ang buhay, kabuhayan, at karapatan! Palayasin ang mga abusadong komersyal sa ating karagatan! 🌊✊

📸 credit to Zach

Proud babaeng mangingilaw.
03/06/2026

Proud babaeng mangingilaw.

03/06/2026

Suntay, pinarusahan kaugnay ng pahayag kay Anne Curtis.

Deserve ba ang parusa? Deserve ba natin mga ganitong pulitiko?

Pinatawan ng disciplinary action ng House of Representatives si Quezon City 4th District Rep. B**g Suntay dahil sa kanyang naging pahayag noon tungkol sa aktres na si Anne Curtis.

Sa botong 263 pabor, 8 kontra, at 7 abstain, inaprubahan ng mga kongresista ang parusa laban kay Suntay.

Batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni Rep. JC Abalos, inatasan si Suntay na mag-public apology kay Curtis at sa mga kababaihan, magsagawa ng community service, at dumalo sa gender sensitivity seminar.

Ang hakbang ay kaugnay ng ethics complaint na inihain laban sa kanya matapos ang kanyang pahayag sa pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Committee Report No. 299 na binasa sa plenaryo, ang naturang asal at mga kaugnay na post sa social media ni Suntay ay nakaapekto sa dignidad, integridad, at reputasyon ng Kamara bilang isang institusyon.

Ang kapabayaan ng mga ahensya ng pamahalaan na ipagtanggol ang karapatan ng maliliit na mangingisda laban sa dambuhalang...
30/05/2026

Ang kapabayaan ng mga ahensya ng pamahalaan na ipagtanggol ang karapatan ng maliliit na mangingisda laban sa dambuhalang korporasyong palakaya ay tahasang pagpayag na nakawin ang pagkain sa hapag ng pamilyang mangingisda, agawin ang pangmatrikula ng kanilang mga anak, at burahin ang kinabukasang pilit nilang hinahabi—para lamang mailagay sa bulsa ng iilang pamilyang nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa dagat.

Ito ang mariing pahayag ni Ka Miriam, tagapagsalita ng Katipunera sa Tayabas Bay, sa kanyang mensahe ng pakikiisa sa martsa ng mga mangingisda mula Bureau of Fisheries and Aquatic Resources patungong Department of Agriculture sa Quezon City nitong Mayo 28, 2026, bilang paggunita sa Araw ng mga Mangingisda.

Kasama ni Ka Miriam ang mga lider-mangingisda mula Lamon Bay at Tayabas Bay, gayundin ang daan-daang mangingisda mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Sama-sama nilang ipinanawagan ang agarang proteksyon sa buhay, kabuhayan at karapatan ng mga pamilyang nakasalalay sa karagatan, laban sa panghihimasok ng interes ng iilang negosyante.

Sa kanilang sigaw, malinaw ang paninindigan: “Kinse kilometro para sa tao, hindi sa negosyo.” #

30/05/2026
30/05/2026
30/05/2026
LOOK:Nagkaisa ang mga representante ng iba't-ibang samahan ng mga mangingisda mula sa probinsya ng Quezon (Agdangan, Mul...
30/05/2026

LOOK:
Nagkaisa ang mga representante ng iba't-ibang samahan ng mga mangingisda mula sa probinsya ng Quezon (Agdangan, Mulanay, Macalelon, Alabat, Perez, Quezon), Cebu (Bantayan Island), Batangas, Cavite, Palawan, at iba pang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa harapan ng opisina ng DA-BFAR noong Mayo 28, taong kasalukuyan.

Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng mga magsasaka at mangingisda, inilatag ng mga mangingisda ang hindi pagtugon ng departamento sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng sektor tulad ng pagkamkam ng mga komersyal sa kinse kilometrong munisipal na katubigan, hindi pagkilala sa mga kababaihan sa pangisdaan, pagsasapribado ng kalupaan at katubigan, sapilitang pagkakaso at pagbabanta sa buhay ng mga katutubo, IUUF, at mga mali-mali at hindi natupad na pangakong mga proyekto.

📸 credit: Evadiana Garibay-rivera , Frances Therese Agana , Russell Malejana

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katipunan ng mga Mangingisda sa Lamon at Tayabas Bay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share