13/03/2026
ⒽⒶⒹⒾⓉⒽ ⓄⒻ ⓉⒽⒺ ⒹⒶⓎ ✨
📒𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐥𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚:
'Narinig ko ang Sugo ng Allah (ﷺ) na nagsasabi: "𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 (Fajr), 𝘴𝘪𝘺𝘢'𝘺 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘯𝘶𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢. 𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘦𝘯𝘨𝘬𝘦 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸, 𝘴𝘪𝘺𝘢'𝘺 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘐𝘣𝘭𝘪𝘴 (𝘚𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢𝘴)".'
Ano nga ba ang una mong ginagawa paggising ng umaga?
Ito ay sumasalamin kung ano ang iyong prayoridad sa buhay. Kung ang una mong ginagawa sa umaga ay ang pagsamba sa Allah, tiyak na nakamit mo na ang tagumpay dito man sa mundo at sa kabilang buhay. Kung nais mong maging matagumpay sa iyong buhay ay hanapin mo ito sa pamamagitan ng panalangin sa madaling araw.
Sabi ng Propeta (ﷺ): "Ang dalawang raka'at bago ang Fajr ay mas mabuti kaysa sa anumang bagay dito sa mundo."
Kaya bilang isang Muslim, ating pahalagahan ang pagsamba at makikita natin ang pagbabago sa ating buhay. Unahin ang pagsamba bago ang makamundong bagay, sapagkat ang lahat ng mga biyaya ay galing sa Allah. At kahit anong oras ay pwede niyang kunin sa atin ito.