10/05/2025
#3 MIKKO BAUTISTA para KONSEHAL ng BAYAN ng MABINI
MIKKO BAUTISTA, isang nurse, maybahay, at ina ng dalawang anak mula sa Barangay Bulacan. Tumatayo ako bilang kandidato sa pagka-konsehal ng Bayan ng Mabini, naghahangad na makapaglingkod ng tama at tapat sa bawat isa sa inyo.
Bilang isang nurse, nakikita ko ang mga hamon sa kalusugan at ang pangangailangan ng bawat pamilya na magkaroon ng madaling akses sa serbisyong medikal. Ang aking layunin ay magtulungan tayo upang mapalakas ang mga programang pangkalusugan at masiguro na ang bawat pamilya sa Mabini ay may sapat na suporta at pag-aalaga.
Handa po akong makinig at magsilbi ng tapat upang matugunan ang inyong pangangailangan. Ako po ay isang kandidato na may malasakit sa kalusugan at sa kapakanan ng bawat Mabinian. Nais ko pong maging bahagi ng makatarungang pagbabago at magsilbi ng buo ang puso at pananampalataya.
Tatak MRB — Nars Konsehala Mikko, isang lider na maglilingkod ng tama, tapat, at may malasakit para sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa.
Ibotong #3 sa balota upang magkaroon tayo ng isang makatarungan at mas malusog na Mabini.