PinaUntungan E't Ka Palawanan

PinaUntungan E't Ka Palawanan Ang PINAUNTUNGAN E'T KA PALAWANAN (PEKP) Ay Samahan ng mga katutubong Palaw'an sa Brooke's Point.

01/03/2025
18/02/2025
12/02/2025

REPRESENTANTE NG SIMBAHANG KATOLIKA, NAGBABALA SA MGA BOARD MEMBERS NA HINDI MANANALO SA HALALAN KUNG HINDI AAPRUBAHAN ANG MORATORIUM SA MINA SA PALAWAN

Tahasang sinabi ni Father Roderick Caabay sa harap mismo ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na kasama sa Committee on Environmental Protection and Natural Resources na titiyakin umano nilang hindi mananalo sa darating na eleksyon ang mga hindi susuporta sa Moratorium Ordinance.

Ang harap-harapang babala ni Caabay ay nangyari sa isinasagawang committee meeting kaugnay ng naturang ordinansa.

Ayon sa representante ng Apostolic Vicariate of Taytay, dapat umanong pagbasehan ang realidad ng buhay, kung saan nakikita at nararamdaman ang masamang epekto ng pagmimina sa Palawan.

Ang kailangan umano ng mga board members ay tapang at paninindigan para sa ikabubuti ng Palawan.

Samantala, nauna nang sinabi ng mga board members na hindi sila tutol sa moratorium sa pagmimina at maging sila ay ayaw ng mining sa Palawan, ngunit kailangan umano nilang respetuhin ang batas at malaman ang mga legal na basehan kung may kapangyarihan silang ipatupad ito.| via JB Juanich

02/02/2025

Address

(BICAMM) Brgy Barong Barong, Ipilan, Calasagen, Aribungos, Mambalot
Maasin

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PinaUntungan E't Ka Palawanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share