09/03/2026
B**g kamdom, Mayor!🤍🕊️
Lubos na nagdadalamhati ang Pamahalaang Lungsod ng Koronadal sa pagpanaw ng ating minamahal na Alkalde, si Hon. Eliordo U. Ogena.
Sa kanyang panunungkulan, buong puso niyang pinagsilbihan ang ating komunidad sa pamamagitan ng tapat, makatao, at dedikadong pamumuno. Malaki ang kanyang naiambag sa pag-unlad ng ating lungsod at sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Ang kanyang pamana ng serbisyo publiko, malasakit, at pagmamahal sa bayan ay mananatiling inspirasyon sa ating lahat.
Kami ay taos-pusong nakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng nagmamahal sa kanya sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod sa ating bayan, Mayor Ogena. Hinding-hindi ka namin malilimutan.