Hon. Amer Q. Lacerna

Hon. Amer Q. Lacerna Official page of Konsehal Americo Q. Lacerna

Matagumpay na naisagawa ang ating dalawang Committee Hearing kanina.  Tinalakay natin ang kahilingan para sa pagbabago n...
15/10/2026

Matagumpay na naisagawa ang ating dalawang Committee Hearing kanina.

Tinalakay natin ang kahilingan para sa pagbabago ng klasipikasyon ng lupa — mula Agrikultural patungong Komersyal at/o Industriyal, sakop ng TCT No. T-27404.

Tinalakay din natin ang Resolusyon na nagbibigay-awtoridad sa Punong Lungsod na magpatupad ng Kasunduan sa Paggamit ng Lupa kasama ang PrimeWater Infrastructure Corporation para sa Water Supply System at mga pasilidad ng tubig sa Don Victor Ville, Brgy. Mayao Silangan.

Masusing tinalakay ang mga ito kasama ang ating mga kapwa konsehal — Konsehal Rhaetia Marie C. Abcede-Llaga, Konsehal Benito G. Brizuela Jr., ang ating mga resource persons na sina Atty. Francisco Lagman at Atty. Euclides G. Forbes, pati na rin ang mga kinatawan mula sa iba pang ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

Layunin nating masigurado na ang bawat hakbang ay naaayon sa batas at para sa ikabubuti ng ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong oras, kontribusyon, at pakikilahok

Kaninang umaga, September 24, 2026, pinangunahan ko bilang Chairman ng Committee on Peace and Order ang Public Hearing t...
24/09/2026

Kaninang umaga, September 24, 2026, pinangunahan ko bilang Chairman ng Committee on Peace and Order ang Public Hearing tungkol sa panukalang ordinansa para sa Katatagan, Kalusugan at Damayan ng Komunidad (KKDK) bilang community-based drug rehabilitation program para sa mga moderate-risk PWUDs sa Lungsod ng Lucena.

Tinalakay ang mahahalagang probisyon, implementasyon at monitoring ng programa, kasama ang mga suhestiyon at rekomendasyon ng mga resource persons.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi para sa mas maayos at epektibong programa para sa ating mga Lucenahin.

17/09/2026
Regular Session of the Sangguniang Panglungsod
14/09/2026

Regular Session of the Sangguniang Panglungsod

Ngayong araw, isinagawa ang Committee Hearing kaugnay ng donasyon ng isang bahagi ng lupang matatagpuan sa Brgy. Ibabang...
13/08/2026

Ngayong araw, isinagawa ang Committee Hearing kaugnay ng donasyon ng isang bahagi ng lupang matatagpuan sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, na may kabuuang lawak na 1,900 square meters, para sa City Government of Lucena.

Tinalakay at sinuri natin nang mabuti ang mga detalye at proseso ng donasyon upang matiyak na ito ay naaayon sa batas at tunay na makapagbibigay ng kapakinabangan sa ating lungsod at mga mamamayan.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa pagdinig. Patuloy nating isusulong ang mga hakbang na para sa ikabubuti ng Lungsod ng Lucena.

Brownout man, tuloy ang trabaho.Maikli man ang session, basta tuloy ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
10/08/2026

Brownout man, tuloy ang trabaho.
Maikli man ang session, basta tuloy ang serbisyo para sa ating mga kababayan.

Kanina ay ating pinangunahan ang Committee Hearing ng Committee on Peace & Order kaugnay ng panukalang ordinansa na magt...
06/08/2026

Kanina ay ating pinangunahan ang Committee Hearing ng Committee on Peace & Order kaugnay ng panukalang ordinansa na magtatatag ng Visitor's ID System sa Lucena City District Jail Dormitory/Detention Center.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng dumalo at nakiisa sa talakayan. Ang inyong mga mungkahi at pananaw ay malaking tulong sa pagbuo ng mga ordinansang magpapalakas sa seguridad at kaayusan sa ating lungsod.
Patuloy tayong magseserbisyo para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na Lungsod ng Lucena.

MALIGAYANG IKA-112 ANIBERSARYO IGLESIA NI CRISTOIsang taos-pusong pagbati sa112 Taon ng Pananampalataya,Pagkakaisa, at P...
26/07/2026

MALIGAYANG IKA-112 ANIBERSARYO

IGLESIA NI CRISTO

Isang taos-pusong pagbati sa
112 Taon ng Pananampalataya,
Pagkakaisa, at Patuloy na Paglilingkod.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan
sa bawat hakbang ng inyong banal na paglilingkod.

MABUHAY ANG IGLESIA NI CRISTO!

Taos-pusong pagbati mula kina

KON. AMER LACERNA
at
ENGR. BRYAN LACERNA

Address

Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Amer Q. Lacerna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share