06/05/2025
Isang 𝐇𝐈𝐒𝐒-𝐭𝐨𝐫𝐢𝐜𝐚𝐥 na programa ang naganap noong 𝐌𝐚𝐲 𝟎𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓 sa Barangay Maahas Covered Court para sa programa tungkol sa digital literacy na pinamagatang, “𝑺𝒕𝒆𝒑 𝒃𝒚 𝒅𝒂 𝑺𝒕𝒆𝒑: 𝑷𝒂𝒈𝒉𝒂𝒌𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝑴𝒖𝒏𝒅𝒐 𝒏𝒈 𝑭𝒓𝒆𝒆𝒍𝒂𝒏𝒄𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝑶𝒏𝒍𝒊𝒏𝒆 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕𝒖𝒏𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔” na naglalayong palawigin ang kaalaman ng mga kabataan kung paano kumita online.
Kami ay nagpapasalamat sa 𝟒𝟎 na nagpaunlak sa aming imbitasyon, lalo na sa aktibong partisipasyon ng mga 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑽𝒐𝒍𝒍𝒆𝒚𝒃𝒂𝒍𝒍 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒂𝒉𝒂𝒔 na buong sigasig na nakiisa sa pagkatuto tungkol sa kahalagahan ng digital skills sa makabagong panahon.
Gayon din, buong puso naming pinapasalamatan ang naging mga speaker namin sa aming programa na nagbahagi ng kani-kanilang eksperto at kaalamanan na sina (1) 𝑴𝒔. 𝑺𝒐𝒏𝒚𝒂 𝑪𝒂𝒔𝒕𝒊𝒍𝒍𝒐 sa pagtalakay ng cyber safety, (2) 𝑴𝒓. 𝑱𝒆𝒂𝒏 𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒄𝒉 𝑪𝒂𝒓𝒄𝒂𝒄𝒊𝒕𝒂𝒔 para sa Social Media for Income, (3) 𝑴𝒓. 𝑫𝒖𝒌𝒆 𝑨𝒏𝒕𝒐𝒏 𝑨𝒔𝒐𝒏𝒕𝒐 sa pagbuo ng iyong sa digital career portfolio at si (4) 𝑴𝒔. 𝑾𝒊𝒏𝒐𝒏𝒂 𝑯𝒐𝒑𝒆 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐𝒔 kung paano kumita gamit ang Canva.
At sa huling pagkakataon, lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito na nagbigay ng kanilang suporta, dedikasyon at oras. Sa opisyal ng mga barangay, sa mga 𝒍𝒐𝒌𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝒐𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒔𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒊𝒏𝒅𝒊𝒃𝒊𝒅𝒘𝒂𝒍 na nagpahayag ng kanilang suporta at presensya, at sa 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 na hindi nag-atubiling maglaan ng oras, lakas at malasakit.
Sa pagtatapos ng proyektong ito bitbit namin ang pasasalamat at alaala sa isang 𝐇𝐈𝐒𝐒-𝐜𝐫𝐞𝐝𝐢𝐛𝐥𝐞 na karanasan!
Special thanks to:
UP Internet Freedom Network
UPLB Career Assistance Program
Sponsor:
Forever Flowers and Cafe