UP Munsci Alumni Society

UP Munsci Alumni Society Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UP Munsci Alumni Society, University of the Philippines Los Baños, Los Baños.

UP MunSci Alumni Society is a socio-civic organization composed of Students and Alumni from University of the Philippines-Los Baños that aims to bring back the Honor and Excellence to their very own Alma Mater, Muntinlupa Science High School.

𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗜𝗚𝗜𝗡 𝗞𝗔 𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔Kaakibat ng pagsapit ng buwan ng hunyo ay ang selebrasyon ng Pride Month, aakalain mong...
15/06/2026

𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗜𝗚𝗜𝗡 𝗞𝗔 𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔

Kaakibat ng pagsapit ng buwan ng hunyo ay ang selebrasyon ng Pride Month, aakalain mong nasa paraiso ka sa kalat na kulay sa bawat sulok ng mundo. Ngunit sa bawat kulay na makikita sa mga bandera ng ating LGBTQIA+ community ay mga kwento ng mga labang nagdala sa kilusan kung saan ito naririto ngayon.

Nagsimula ang selebrasyon ng pride month mula sa isang uprising sa Manhattan noong 1969, tinatawag na Stonewall Uprising. Ayon sa Library of Congress ng Amerika, ito ay isang makabuluhang pangyayari na naging sanhi sa paglaban ng rights ng kabaklaan. Mula noon, ang pag-aalsang ito ay taun-taong ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagmamartsa at pamomrotesta upang alalahanin ang naging laban at para ipakita sa mundo ang kanilang tunay na kulay.

Mahalaga ring matukoy na sa ugat ng ating kultura’t kasaysayan ay mayroon na tayong konsepto ng pangatlong kasarian. Bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, ang kababaihan sa mga katutubong komunidad ay maaaring maging babaylan, mga spiritual leader na inaasahan sa paggagamot at pagpapanatili ng koneksyon sa mga espiritu. Kaugnay rin nito ay ang mga binabae (tinatawag ring asog o bayog). Sila ay pinanganak na lalaki ngunit namumuhay at nagdadamit bilang babae at ginagampanan ang mga tungkulin ng kababaihan at may kakayahan ring maging mga babaylan. Ang mga taong ito ay binibigyan ng malaking kahalagahan at lubhang tinitingala ng kanilang lipunan.

Marahil ay narinig na ng marami saatin na “ang Pride ay Protesta,” dahil isang protesta nga talaga ito. Sa loob ng maraming taon ay isinasailalim sa pang-aabuso at pang-aapi ang mga non-heteronormative relationships at ang self-expression. Ang mga taong ipinepresenta ang sarili nila bilang kahit anong taliwas sa itinuturing “normal” ng patriyarkal na lipunan ay magiging puntirya ng pangaabuso. Ang mga paniniwalang ito ay mapanganib na mga buto na itinanim at tumubo bilang mga mapanakit na paniniwala na hanggang ngayon ay nararanasan ng mga parte ng komunidad na ito.

Ang pagdiriwang ng Pride ay pakikibaka sa kabuhayan. Sa mga pride flag nakatahi ang pagmamahal, kalayaan, at ang karapatang mamuhay nang hindi tinatago ang ating pagkatao. Mahalaga ring paulit-ulit nating marinig na hindi kasalanan ang iyong pagkatao. 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗯𝗮𝗸𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝘀𝗮𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗲𝗴𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘁𝗶𝗴𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱.





References
https://www.loc.gov/lgbt-pride-month/about/
https://www.jstor.org/stable/48656850

𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧. 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. ✊🏽🇵🇭Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng pa...
12/06/2026

𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧. 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. ✊🏽🇵🇭
Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas.

Hindi naging madali at puno ng sakripisyo ang naging pakikibaka ng ating mga ninuno upang makamit ang kalayaan. Sa loob ng mahigit tatlong siglo ng pananakop ng mga Espanyol, unti-unting nahubog ang pagkakakilanlang Pilipino mula sa pagsasanib ng ating katutubong kultura at mga impluwensiyang Asyano at Espanyol. Ngunit sa kabila nito, nanatiling matatag ang diwa ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan na nagbigay-daan sa ating kalayaan.

Higit pa sa pagdiriwang, ang Araw ng Kalayaan ay isang paalala ng ating kasaysayan, pagkakakilanlan, at responsibilidad bilang mamamayan. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kalayaang ating tinatamasa at sama-samang isulong ang isang mas maunlad, makatarungan, at nagkakaisang bayan para sa susunod na henerasyon.

Ngunit sa kabila ng ating pagdiriwang, huwag nating kalimutang ang kalayaan ay isang patuloy na laban. Bagama't nakawala na tayo sa mga lumang mananakop, ang ating soberanya ay patuloy na naiipit at niyuyurakan ng interes ng mga imperyalistang bansa tulad ng China at US.

Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ginugunita tuwing ika-12 ng Hunyo; ito ay araw-araw na pinaninindigan. Huwag nating hayaang manatiling ilusyon ang ating kasarinlan. Tumindig tayo laban sa anumang dayuhang panghihimasok at ipagpatuloy natin ang laban para sa isang Pilipinas na tunay na malaya—𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐢𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧.

Reference:
https://www.globalizationpartners.com/2024/06/12/philippine-independence-day/

𝑻𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂-𝒐𝒐𝒉 𝒍𝒂 𝒍𝒂 𝒌𝒂 𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒈𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒊𝒍𝒂! 🥵Wala 'yang heatwave at wave of requirements sa galing ng UP MunSciA...
11/06/2026

𝑻𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂-𝒐𝒐𝒉 𝒍𝒂 𝒍𝒂 𝒌𝒂 𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒈𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒊𝒍𝒂! 🥵

Wala 'yang heatwave at wave of requirements sa galing ng UP MunSciAlS! Charot. Actually meron 😅, pero kahit pa ganon, narito pa rin ang ating mga sem achievers! Sobrang ste is llar?! 🌟

But whether on this list or not, as long as naka-survive or nag-thrive, achieve na 'yan! 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝘁𝗼 𝗮𝗹𝗹 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶𝗔𝗹𝗦 𝗔.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟱-𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗺𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗮𝗰𝗵𝗶𝗲𝘃𝗲𝗿𝘀. As always, aim high! 💚


Happiest birthday, dearest Angge! We hope today treats you with the same love and care you so effortlessly give to other...
11/05/2026

Happiest birthday, dearest Angge!

We hope today treats you with the same love and care you so effortlessly give to others 🙂‍↕️🤎.

It's always the little things with you. Yung pagsabay ng kain sa friends mo kasi alam mong hindi pa sila nakakakain, checking up on people in your own quiet way, and even the way you bicker with your friends out of concern and for the sake of banter. We hope you know that your thoughtfulness never goes unnoticed, and the people around you are soooo lucky to experience that side of you.

Sana sa bawat pagtagaktak ng ulan na alam naming gustong-gusto mo ay ang pagbunga ng bagong rason ng pagpapatuloy mo sa bawat araw.

May your creativity never run dry, may your days always be filled with the things that uplift and inspire you, laughter that makes your eyes disappear so charmingly, and people who matter most.

(and sana di ka pa sawa with us! 😆 - exte, xoxo)

𝐉𝐞-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚!  𝐉𝐞-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐚𝐥𝐚𝐫𝐦!She's just like the usual brew...
10/05/2026

𝐉𝐞-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡 𝐉𝐞𝐬𝐬𝐢𝐜𝐚! 𝐉𝐞-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡-𝐞𝐡 𝐘𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐚𝐥𝐚𝐫𝐦!

She's just like the usual brew of her morning coffee ☕ 𝘓𝘢𝘪𝘥 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘩𝘪𝘭𝘭 with a touch of ✨𝓰𝓮𝓷𝓽𝓵𝓮𝓷𝓮𝓼𝓼✨ (parang kapeng may creamer), pero may extra kick 🦵 pa rin na matapang na kayang-kaya kang ipaglaban! 💪

A day with Jessica is sure to be 𝚊 𝚍𝚊𝚢 𝚠𝚎𝚕𝚕 𝚜𝚙𝚎𝚗𝚝 🫶, and you are guaranteed to leave with a new worldview. Conversations with her are very fun and enlightening because you can keep exchanging insights on a wide range of topics! ✨

On this day, sana hindi ka nasestress with a 𝒅𝒓𝒆𝒂𝒅𝒆𝒅 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒔𝒖𝒓𝒆 𝒕𝒆𝒔𝒕, kasi you will ❌𝗡𝗢𝗧❌ be leaving ✌𝓜𝓪𝓼𝓽𝓮𝓻𝓬𝓱𝓮𝓯✌ (lagi niya pinapanood sa dorm)

The 𝐔𝐏 𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢 𝐀𝐥𝐮𝐦𝐧𝐢 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 celebrates this special day with you 🎉! Happy birthday, Jessica! We wish for you to have all the sweet potatoes 🍠 (and yung corn 🌽 sa Raymundo) that you love so much on this special day. 🥳

𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝟔𝐁. 𝐁𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆! 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐇𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐋𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐓𝐔𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍, 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐈𝐍𝐓𝐔𝐋𝐔𝐓𝐀𝐍!Malapit lamang sa lokal ng pama...
08/05/2026

𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝟔𝐁. 𝐁𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆! 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐇𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐋𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐓𝐔𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍, 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐇𝐈𝐍𝐓𝐔𝐋𝐔𝐓𝐀𝐍!

Malapit lamang sa lokal ng pamantasan ang balita ng demolisyon at karahasan nitong nakaraang buwan. Nagsimula noong Abril 14 hanggang 16 ang paggiba ng Bambang Land Corporation (BLC) sa mga tahanan sa Purok 6B, Brgy. Bambang, Los Baños bunsod ng Writ of Demolition na inihain ng Regional Trial Court Branch 35. Ito’y itinuloy pa noong Abril 23, 24, at 27. Ang nasabing paggiba ay inilunsad bilang preparasyon sa itatayong pribadong gusali o erya sa lupaing ito.

Batas mismo ang nagsasabi na hindi dapat bababa sa 30 na araw ang panahong ibibigay upang makalikas ang mga residente, ngunit dalawampung araw lang ang binigay sa mga taga Purok 6B. Giit din ng isang miyembro ng Purok 6B Homeowners Association (HOA) na hindi kinonsulta ang mga mamamayan sa desisyong ito at wala pang inilatag na plano para sa relokasyon. Nagtayo ng barikada ang mga mamamayan kinaumagahan ng demolisyon, subalit hindi nito napigilan ang BLC sa paggiba. Mayroon pa ngang balita ng mga ginibang bahay kahit hindi ito nakapaloob sa erya na itinakdang gibain. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗴𝘂𝗹𝗼, 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗸𝘁𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗶𝘁𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗺𝗼𝗹𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗲𝗮𝗺. Kabilang na rito ang pambabastos at panghihipo ng isang demolitioner sa isang babaeng residente.

𝗠𝗮𝗿𝗶𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗻𝗱𝗴𝗿𝗮𝗯𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗽𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗿𝗼𝗸 𝟲𝗕! Ang lumalalang pribatisasyon ay isang matinding sintomas ng nabubulok na sistema kung saan mas angat ang pagsisilbi sa interes ng pribadong mga kumpanya at mga mayayaman kaysa sa karapatan ng ordinaryong mamamayan.

Dagdag pa rito ang kakulangan sa alternatibong mga plano para sa mga residenteng nawaan ng tahanan. Nasaan ang kompensasyon? Nasaan ang relokasyon? Nasaan ang diyalogo at konsultasyon sa mga aktuwal na naninirahan sa purok? Magandang itanong din kung bakit kinakailangan ng sandamakmak na PNP na may batuta at shield sa site kung hindi naman nila nagawang protektahan ang mga mamamayang nag-barikada. Nakatayo lamang ang mga kinauukulan habang may mga nasasaktan at naha-harass na kababaihan! 𝗔𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗸𝘀𝘂𝘄𝗮𝗹 𝗵𝗮𝗿𝗮𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗼𝗸𝗼𝗻𝗱𝗲𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶𝗔𝗹𝗦. Wala na ngang espasyo para sa karapatan ng mga mamamayan, talagang may panahon pa para sa pambabastos sa kababaihan kahit sa gitna ng gitgitan? Ang lupa ay dapat para sa kabuhayan at pamumuhay ng mamamayan! Ito’y karapatan na hindi basta-basta tinatapakan. 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶𝗔𝗹𝗦 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗺𝗼𝗹𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗶𝘆𝘂𝗱𝗮𝗱! 𝗧𝘂𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗱𝗲𝗺𝗼𝗹𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻!



𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢𝐀𝐥𝐒 𝐩𝐫𝐨𝐮𝐝𝐥𝐲 𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐒𝐞𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐛𝐨 𝐚𝐬 𝐚 𝐂𝐀𝐅𝐒 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐜𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐮𝐩𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐔𝐒𝐂-𝐂𝐒𝐂 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬!As one of our mos...
07/05/2026

𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢𝐀𝐥𝐒 𝐩𝐫𝐨𝐮𝐝𝐥𝐲 𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐒𝐞𝐚𝐧 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐛𝐨 𝐚𝐬 𝐚 𝐂𝐀𝐅𝐒 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐜𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐮𝐩𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐔𝐒𝐂-𝐂𝐒𝐂 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬!

As one of our most active resident members, Sean has proven herself to be a trustworthy student-leader. Serving as the incumbent 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐀.𝐘. 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟔, she spearheaded the vital orientation and recruitment process of our organization at the beginning of 1st semester. She continues to play her role as a reliable program host in past events like the Outreach Program for the Elderly in her hometown, Muntinlupa City.

𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐏 𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢 𝐀𝐥𝐮𝐦𝐧𝐢 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐩𝐫𝐨𝐮𝐝𝐥𝐲 𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐒𝐄𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐁𝐎 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 (𝐂𝐀𝐅𝐒) 𝐚𝐬 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐀𝐅𝐒 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕. Her dedication to militantly fighting for the oppressed and never forgetting the gender struggle campaign within and beyond our organization is clearly reflected in her leadership!

and ! ✊🏻💚

𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐎𝐁𝐎𝐒𝐎 𝟏𝟗 𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈𝐊 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐈𝐍𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆𝐀𝐍!Noong ika-19 n...
06/05/2026

𝐇𝐔𝐒𝐓𝐈𝐒𝐘𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐎𝐁𝐎𝐒𝐎 𝟏𝟗 𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐔𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐊𝐒𝐈𝐊 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐈𝐍𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆𝐀𝐍!

Noong ika-19 ng Abril, dumanak ang dugo sa kalupaan ng Toboso, Negros Occidental matapos ang isang operasyon ng AFP na ikinasawi ng labingsyam na buhay, kabilang ang mga kasapi ng New People’s Army at mga sibilyang nadamay sa karahasan. 𝗜𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗼𝘀𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝗲𝗿𝗱𝘂𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗿 𝘀𝗶𝗻𝗮 𝗔𝗹𝘆𝘀𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗻𝗼, isang konsehala ng UP Diliman University Student Council; 𝗥𝗝 𝗟𝗲𝗱𝗲𝘀𝗺𝗮, isang journalist at human rights advocate; 𝗘𝗿𝗿𝗼𝗹 𝗪𝗲𝗻𝗱𝗲𝗹 at 𝗠𝗮𝘂𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗦𝗮𝗻𝘁𝘂𝘆𝗼, dalawang organisador ng mga pesante; 𝗞𝗮𝗶 𝗦𝗼𝗿𝗲𝗺 at 𝗟𝘆𝗹𝗲 𝗣𝗿𝗶𝗷𝗼𝗹𝗲𝘀, ang dalawang aktibista at organisador mula sa Estados Unidos. Iginigiit ng AFP na lahat ng ito ay mga armadong rebelde, ngunit wala namang solidong ebidensya ang mai-presenta ng militar.

Kasunod ng insidenteng ito, 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗻-𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗶 𝗼 𝗽𝗲𝗸𝗲𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗸𝘂𝗿𝘀𝗼, partikular ang red-tagging, na naglalagay sa panganib sa kaligtasan at integridad ng mga aktibista, mananaliksik, at iba pang mga sektor na lumulubog sa mga komunidad sa kanayunan at malalayong lugar na hindi naaabot ng mga batayang ahensya’t institusyon. Sa halip na magsilbing daan tungo sa katotohanan at pananagutan, ang mga ganitong naratibo ay nagiging kasangkapan sa pagpapatahimik at panunupil sa mga mamamayang nakikiisa sa laban ng mga magsasaka sa kanayunan.

Sa ganitong sitwasyon, maging ang larangan ng pananaliksik ay hindi nakaligtas mula sa pambababoy at pangungutsa. Ang pakikipamuhay sa komunidad na siyang kritikal na bahagi ng pag-aaral ay nababahiran ng maling hinala. Ang mga tinig sana na naglalayong itampok ang mga hinaing at karanasan ng mga nasa laylayan ay napapalitan ng takot, pag-iingat, at pagpapatahimik. Bunga nito, lalo pang napag-iiwanan ang mga sektor na matagal nang nangangailangan ng atensyon at pagkilala mula sa pamahalaan.

Bilang mga estudyante at iskolar ng bayan, kinikilala ng organisasyon na ang edukasyon ay hindi nagtatapos sa loob ng silid-aralan. Kaakibat ng kaalaman ang pananagutan: ang magsuri nang kritikal, kontrahin ang mga maling naratibo, at gamitin ang ating mga natutunan para sa tunay na pag-unlad sa kapakanan ng mayorya. Ang paninindigan ay dapat manatili sa harap ng hamon ng katotohanan. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝘂𝗸𝘂𝗻𝗱𝗲𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗶𝘀𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗮𝘆𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗿𝗲-𝗿𝗲𝗱𝘁𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗵𝗮𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹. Walang lugar ang karahasan sa mga pamantasan, online platforms, at iba pa. At lalong walang lugar ang militar sa nananahimik na komunidad ng mga magsasaka

Sa mga panahon na patuloy kontrolado ng mga nasa kapangyarihan ang naratibong pabor sa kanilang pansariling interes, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝘂𝗹𝗶𝗻: 𝗺𝗮𝗴-𝘀𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗻𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗿𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻. Iskolar ng bayan, tayo’y magsilbing boses sa mga hindi napakikinggan kahit pa sa gitna ng gitigitan at panunupil ng estado.

𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏!
𝑷𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒖𝒎𝒊𝒕𝒊𝒏𝒅𝒊𝒈 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒉𝒂𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒔𝒂𝒏𝒕𝒆 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒂𝒚𝒖𝒏𝒂𝒏!
𝑯𝒖𝒔𝒕𝒊𝒔𝒚𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑻𝒐𝒃𝒐𝒔𝒐 𝟏𝟗!
𝑷𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒔𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒊𝒍𝒊𝒕𝒂𝒓 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒂𝒚𝒖𝒏𝒂𝒏!

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐡𝐢𝐧𝐲𝐞𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧! ⚡💡The 𝐔𝐏 𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢 𝐀𝐥𝐮𝐦𝐧𝐢 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 congratulates our esteemed alumnus, 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐒𝐡...
05/05/2026

𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐡𝐢𝐧𝐲𝐞𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧! ⚡💡

The 𝐔𝐏 𝐌𝐮𝐧𝐒𝐜𝐢 𝐀𝐥𝐮𝐦𝐧𝐢 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 congratulates our esteemed alumnus, 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐒𝐡𝐚𝐧𝐧𝐨𝐧 𝐈𝐬𝐚𝐢𝐚𝐡 𝐁𝐚𝐫𝐛𝐨𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐝𝐨, for passing the April 2026 Registered Electrical Engineers Licensure Examination (REELE)!

Living up to the meaning of your batch, 𝑷𝒆𝒓 𝑨𝒔𝒑𝒆𝒓𝒂 𝑨𝒅 𝑨𝒔𝒕𝒓𝒂—through hardships to the stars—you have illuminated the path, overcome the challenges, and reached this incredible milestone. The organization expresses its immense pride in this newly licensed professional. Bearing the title of a licensed electrical engineer signifies a lifelong commitment to technical mastery and a profound duty to serve the community with integrity.

We are immensely proud to see you take on this new chapter, 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐒𝐡𝐚𝐧𝐧𝐨𝐧!

𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑵𝒆𝒘 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒆𝒓𝒆𝒅 𝑬𝒍𝒆𝒄𝒕𝒓𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑬𝒏𝒈𝒊𝒏𝒆𝒆𝒓𝒔 💡⚡The 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 warmly congratulates our alumna, 𝗘𝗻𝗴𝗿...
05/05/2026

𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑵𝒆𝒘 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒆𝒓𝒆𝒅 𝑬𝒍𝒆𝒄𝒕𝒓𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑬𝒏𝒈𝒊𝒏𝒆𝒆𝒓𝒔 💡⚡

The 𝗨𝗣 𝗠𝘂𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 warmly congratulates our alumna, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗟𝗶𝗲𝘇𝗲𝗹 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗾𝘂𝗲𝘇, for passing the 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝘀 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 👏🏻

Your dedication to the field of engineering is a testament to your hard work and the Munscian spirit. Your MunSciAls family celebrates this milestone with you and cannot wait to see the impact you will make in the industry 🏭

Paglingkuran ang sambayanan! Padayon at mataas na pagpugay sa iyo, Engr. Liezel! 🌻❤️💚

Address

University Of The Philippines Los Baños
Los Baños

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Munsci Alumni Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Munsci Alumni Society:

Share