Lipa Animal Welfare Society - LAWS

Lipa Animal Welfare Society - LAWS Lipeños from all walks of life gathered together to fight for animal rights dedicated to protecting and promoting the humane treatment of all animals.

Note: Citizens must not depend on LAWS or any other organizations alone. Everyone must do their part. 🐾

20/04/2026
📣 **FUND RAISING FOR SENIOR CHOWCHOW** 🐶💔Sa gitna ng delikadong kalsada sa Brgy. Inosluban, Lipa City, natagpuan ang isa...
19/04/2026

📣 **FUND RAISING FOR SENIOR CHOWCHOW** 🐶💔

Sa gitna ng delikadong kalsada sa Brgy. Inosluban, Lipa City, natagpuan ang isang senior Chow Chow—nag-iisa, nalilito, at tila naghihintay na lang ng kung anong mangyayari sa kanya.

Nadaanan siya ng rescuers pauwi mula sa kanilang foster home. Huminto ang mga sasakyan, pero walang lumapit. Walang naglakas-loob tumulong. Kaya ang LAWS volunteers na mismo ang kumilos at nagtanong-tanong.

Doon nalaman ang mas masakit na katotohanan—ilang araw na pala siyang palaboy. At ayon sa mga nakakaalam, tila pinabayaan na siya ng kanyang dating may-ari. 💔

Nakakalungkot isipin… matapos ang mahabang panahon na pagiging kasama, tila itinapon na lang siya dahil siya ay matanda na at posibleng sakitin.

🐾 Hindi ba’t ang mga alaga natin ay pamilya?
🐾 Sa pagtanda nila, hindi nila kailangan ng pagtalikod—kundi mas higit na pag-aaruga.

Ngayon, ang senior Chow Chow na ito ay nangangailangan ng agarang vetting at medikal na atensyon. Kaya kami po ay kumakatok sa inyong mga puso. 🙏

Anumang tulong—pinansyal man o simpleng pag-share—ay malaking bagay upang mabigyan siya ng maayos na gamutan at pagkakataong maramdaman muli ang pagmamahal.

At sana, magsilbi rin itong paalala:
Huwag sana nating sukuan ang ating mga alaga kapag sila’y tumanda na. Hindi sila disposable. Hindi sila gamit na pwedeng itapon kapag hindi na “kumikita” o napapakinabangan.

Kung siya man ay naging bahagi ng breeding noon, mas lalo sana siyang inalagaan—hindi pinabayaan.

🐶 **Bigyan natin siya ng dignidad sa kanyang pagtanda.**
🐶 **Tulungan natin siyang muling maramdaman na siya ay mahalaga.**

Para sa inyong tulong at donasyon, maaari magbigay thru GCASH:
Janet Roxas 09985894218

Maraming salamat po sa inyong malasakit. 🙏💛

19/04/2026

📣 FUND RAISING FOR MORLACK 🐶💔

Si Morlack ay isang rescue dog mula sa Brgy. Sampaguita, Purok 8, Lipa City. Noong December 2025, natagpuan siyang halos buto’t balat at may malubhang kondisyon na TVT (transmissible venereal tumor).

Sa tulong ng mabubuting puso, siya ay naipachemo ng dalawang beses at unti-unting nawala ang tumor. Nagsimula na sana siyang bumawi. Magsimulang muli. Maramdaman ang masayang buhay na matagal sa kanyang ipinagkait.

Ngunit ngayon, muling bumalik ang sakit — at mas mabilis, mas agresibo ang paglaki ng tumor. 💔

Hindi pa tapos ang laban ni Morlack. Gusto pa niyang mabuhay. Gusto pa niyang maranasan ang pagmamahal na matagal niyang hindi naranasan.

Kaya kami po ay kumakatok sa inyong mga puso. 🙏 Anumang halaga ay malaking tulong upang maipagpatuloy ang kanyang chemotherapy at mabigyan siya ng isa pang pagkakataon sa buhay.

🐾 Maging bahagi ka ng kanyang laban.
🐾 Maging pag-asa ka ni Morlack.

Kung hindi man po makapag-donate, malaking tulong na rin ang pag-share ng post na ito upang mas marami pang makakita at makatulong.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan. 💛

GCASH:
Janet Roxas 09985894218

Para kay Morlack, lalaban tayo. 💪

19/04/2026

Ming is asking for help. 🙏

Nakita lang po ngayon sa may Manila - Batangas Bypass Road. Disabled po sya hila mga paa sa hulihan. Baka pwede po natin sya tulungan mapagamot para malaya po sya makatakbo at makalakad katulad ng ibang normal na apat ang mga paa. 🙏🥺

Pwede po kayo magpa abot ng tulong thru GCASH: Janet Roxas 09985894218

Salamat at GOD bless po 🙏

Isang Bayaning Puso: Pagkilala sa Kabutihan at Pagtulong! 🙌❤️ Taos-pusong pasasalamat po sa mga nagbigay ng pagkain para...
16/04/2026

Isang Bayaning Puso: Pagkilala sa Kabutihan at Pagtulong! 🙌❤️

Taos-pusong pasasalamat po sa mga nagbigay ng pagkain para sa aming mga rescued at fostered na a*o at pusa. Thank you po Ma'am Lee! 🙏 Ganon din po sa mga nagbigay ng cash donations. Alam niyo na po kung sino sino kayo. 🥹

Dahil sa inyong kabutihan, hindi sila magugutom habang naghihintay ng kanilang forever home. 🏡🥺

Ang bawat butil ng pagkain ay pag-asa para sa kanila. Salamat sa pagtulong na punan ang kanilang mga tiyan at puso ng walang pag aalinlangan! 🙏

Nawa ay maging parte po kayo ng aming grupo at kasama naming tumulong sa mga walang boses at apat ang mga paa. 🐾🐕🐈

Thank you and GOD bless you always po ❤️





MARAMING SALAMAT PO! 🙏Salamat po sa pagbigay ng kulungan para sa mag iinang a*ong ito! Ngunit pansamantala lang po ito p...
16/04/2026

MARAMING SALAMAT PO! 🙏

Salamat po sa pagbigay ng kulungan para sa mag iinang a*ong ito! Ngunit pansamantala lang po ito para sa kanila. 🥺

As of now ay 500 pa lang po ang generated fund ng grupo para sa bahay ni Dagul. Kaya kung pagsasamahan pa ng mga may mabuting puso para sa mga apat ang paa ay marealized ang cage para po sa kanila. 🙌🥹

Ang inyong kabutihan at pagmamahal ay magbibigay ng ligtas na tahanan sa kanila. Sa mga nais pa po magpa abot ng tulong at donasyon ay maaari lamang po isend sa numero nasa ibaba po.

Gcash #:
Janet Roxas 09985894218

Salamat sa inyong pagtulong sa pagligtas ng mga buhay na walang boses! 🐈🐾🐕



Pampanga Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr.  pushes to strengthen the implementation of the Animal Welfare Act thro...
15/04/2026

Pampanga Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. pushes to strengthen the implementation of the Animal Welfare Act through the establishment of ‘No-Kill’ Animal Shelters and Public Veterinary Offices in all cities and municipalities in the country.

To be known as the “Public Veterinary Clinics and Animal Shelter Development Act,” House Bill No. 8710, which was filed by Lazatin on March 19, 2026, calls for the establishment of local animal shelters and/or pound facilities in every city and municipality that shall implement a strict ‘no-kill’ policy for animals in its care.

Rescued animals that remain unclaimed by their owners at the shelter shall be made available for adoption or rehoming, subject to screening standards to be determined by the local veterinary office and Implementing Rules and Regulations (IRR).

Likewise, HB No. 8710 also mandates the establishment of public veterinary clinics in every city and municipality, which shall be duly-registered with the Bureau of Animal Industry (BAI) and issued a Certificate of Registration prior to operation, in accordance with R.A. 8485 or the Animal Welfare Act of 1998, as amended by R.A. 10631.
The Public Veterinary Office shall provide essential free or low-cost services, which may include consultation, treatment of minor illnesses or injuries, vaccination support, and spay/neuter (kapon) services, subject to guidelines to be issued by the BAI.
Lazatin has been known to staunchly advocate for animal welfare programs and policies throughout his years in public service.
During Lazatin’s time as Angeles City Mayor, the Angeles City LGU established the first-ever BAI-accredited ‘no-kill’ animal shelter in the Province of Pampanga.

The 103-capacity Angeles City Animal Shelter received its BAI accreditation in May 2023 and was formally opened on July 18, 2023.

On October 15, 2024, the shelter received the Best LGU Dog Pound/Animal Shelter award from the Department of Agriculture (DA) Field Office III.

Through the City Veterinary Office, the Angeles City LGU carried out a free spaying/neutering and anti-rabies vaccination program, with some 5,973 pets spayed/neutered and 130,520 pets vaccinated.

source : Carmelo "Pogi" Lazatin, Jr.

🙌TULONG PARA SA MGA WALANG BOSES🙌Kami po ay lumalapit at kumakatok sa inyong mga puso. 🙏Sa dami po hinaharap na mga expe...
15/04/2026

🙌TULONG PARA SA MGA WALANG BOSES🙌

Kami po ay lumalapit at kumakatok sa inyong mga puso. 🙏Sa dami po hinaharap na mga expenses, vettings, transpo, tubos sa pound ng 5 pa po pusa at iba pa mga voiceless sa pound, lalong lalo ang kanilang food. Butas na din po ang mga bulsa ng members.

Kahit po in kind para sa food ng mga fosters habang hinahanapan po Sila ng adopter. 🙏 Maliit man at napag sama sama ay malaking tulong na rin. 🐾🐕🐈

Para sa inyong tulong at donasyon, maaari niyo po isend thru gcash — Janet Roxas 09985894218

Maraming Salamat at GOD bless po 🙏

13/04/2026

🩷

📍April 12, 2026📢 Brgy. Balintawak, Lipa CityFeeding your dog regularly is not enough, it’s just the bare minimum.A dog i...
13/04/2026

📍April 12, 2026
📢 Brgy. Balintawak, Lipa City

Feeding your dog regularly is not enough, it’s just the bare minimum.

A dog is not just something you “maintain.” They are living beings that depend on you for their entire well-being.

Because at the end of the day, it’s not about how often you feed them, it’s about how well you care for them‼️

Attn: Brgy Captain Lito Pagcaliwangan
Request: Mediation and Monitoring: Animal Neglect Case

🚨 URGENT: NEED HELP - BIG CAGE FOR DAGUL AND MAMA DOG & HER PUPPIES 🚨- Brgy Sabang, Lipa CityKahit po sana 2nd hand na 2...
12/04/2026

🚨 URGENT: NEED HELP - BIG CAGE FOR DAGUL AND MAMA DOG & HER PUPPIES 🚨- Brgy Sabang, Lipa City

Kahit po sana 2nd hand na 2 malaking cage para kay Dagul at kina Mama Dog. 🐶💔

Naroon ang pagmamahal ng mga pet owners pero kapos sa pag-provide ng maayos na silungan o cage 🥹 Kung mayroon kayong hindi na ginagamit na cage o gustong tumulong sa pagbili ng bago, malaking tulong po ito para sa kanilang seguridad at makampanteng hindi makukuha ng mga Lipeño na hayok sa karne ng mga a*o‼️

📩 Para sa mga nais mag-abot ng tulong, mag-message po DIRECTLY sa aming page
👉 Lipa Animal Welfare Society (LAWS) or kindly COMMENT below….

Salamat po sa inyong malasakit! 🙏✨

🐾ALL OF THEM ARE NOW SAFE FROM EUTHANASIA! 🐾🗓️APRIL 10, 2026📍Brgy. Bulacnin and Marawoy, Lipa City Ang mga a*ong ito ay ...
12/04/2026

🐾ALL OF THEM ARE NOW SAFE FROM EUTHANASIA! 🐾

🗓️APRIL 10, 2026
📍Brgy. Bulacnin and Marawoy, Lipa City

Ang mga a*ong ito ay binigyan ng bagong pag-asa! Sila po ay posible nakatakda sa euthanasia, ngunit ngayon ay ligtas at naghihintay ng isang forever home. 🙏🥺

Dalawang Mama dogs with 15 puppies at dalawa pa iba pa adult dogs na surrendered sa pound, pero dahil sa strong collaboration at partnership ng Lipa Animal Welfare Society members sa City Vet ay sa atin na pinagkatiwala at pina adopt, to secure their safety. 🥰

As long as we can, we cannot turn a blind eye and ignore the helpless creatures.
-LAWS

“Join our cause. Be part of us. 🐾🐕🐈”

Salamat sa mga taong nagligtas sa kanila! 🙏🙌



Address

Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lipa Animal Welfare Society - LAWS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share