15/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
AUTHORITY: PLTCOL JEFFREY S ATTUNAGA
Officer-in-Charge
Date: July 14, 2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ 31๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ถ๐ฏ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ฟ โ Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month Celebration ng Philippine National Police (PNP), nagsagawa ang mga tauhan ng Libmanan Municipal Police Station (MPS) ng Outreach Program sa Padlos Elementary School, Brgy. Padlos, Libmanan, Camarines Sur noong ika-14 ng Hulyo 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCMS Juan V Batolina, PCAD PNCO, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL JEFFREY S ATTUNAGA, OIC, Libmanan MPS, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapalakas ang ugnayan ng PNP at ng komunidad, lalo na sa pagbibigay ng serbisyo, edukasyon, at suporta sa mga kabataan.
Naging matagumpay ang nasabing programa sa tulong at pakikiisa ng ibaโt ibang stakeholders, kabilang ang Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI), Municipal Advisory Group, Police Transformation Development (MAGPTD) ng Libmanan MPS, at iba pang mga indibidwal na nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang gawain para sa mga mag-aaral ng Padlos Elementary School.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ang mga tauhan ng Libmanan MPS ng information lecture tungkol sa mahahalagang batas at kampanya ng PNP, kabilang ang Anti-Bullying Act, Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), Anti-Criminality Campaign, at Violence Against Violent Extremism Awareness. Layunin ng naturang talakayan na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng paggalang sa kapwa, pag-iwas sa pambubully at anumang uri ng pang-aabuso, pagiging responsable at mapanuri sa kanilang kapaligiran, gayundin ang pagkilala sa mga panganib ng marahas na ekstremismo at ang kahalagahan ng pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at respeto sa pagkakaiba-iba ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, muling ipinakita ng Libmanan MPS ang malasakit at dedikasyon nito sa paglilingkod sa mamamayan, partikular sa mga kabataan, sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng kamalayan, disiplina, seguridad, at positibong ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Libmanan Municipal Police Station ang mga gawaing pangkomunidad na naaayon sa adhikaing โTo Serve and Protectโ upang makamit ang mas ligtas, mapayapa, at nagkakaisang pamayanan.
#๐๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก๐๐จ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ผ๐ฉ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐๐๐ข๐๐ฃ
#๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐๐๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ
#๐๐ค๐๐๐ง๐ซ๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐ค๐ฉ๐๐๐ฉ