16/09/2026
Mula sa kumapit Farmer’s Association INC. , isang mapagpalang pagbati ang pinaaabot sa ating mga minahal na Agrarian Reform Beneficiaries(ARB)sa inyong makasaysayang pagtatapos sa Farm Business school (FBS)dito sa ating mahal na bayan ng Lian
Ang araw na ito ay hindi lamang isang simpleng seremonya ng pag tatapos ito ang opisyal na pag bubukas ng isang bagong yugto sa inyong buhay bilang mga magsasakang-negosyante o agri-preneurs sa mahabang panahon, ang inyong mga kamay ang nag papakain sa ating kumunidad.ngayon sa pamamagitan ng inyong mga natutunan, ang mga kamay ring iyan ang mag papatakbo ng inyong sariling maunlad na negosyo
Sinasabi ko sa inyo nang may buong katiyakan.ang pag angat ng inyong kaalaman sa negosyo ay siya ring mag aangat ng kalidad ng pamumuhay ng inyo pamilya.ang lupang inyong pinag aaralan ay ang mag kakadugtong na kadena na mag hahatid sa inyong tagumpay.
Una sa pagtataas ng kalidad ng pagpapatakbo ng inyong negosyo,iiwan ang lumang sistema at niyakap ang makabagong pamamahala sa bukid.ito ay nag bubunga ng mas dekalidad na ani at kapanatagan ng isip.ikalawa,ang inyong karunungan sa pera at bookkeeping ang puputol sa siklo ng pag kabaon sa utang,dahil alam ninyo na ang tamang pag papatakbo ng pananalapi mas masisiguro ninyo ang pondo para sa edukasyon at
Kalusugan ng inyong anak.ikatlo,sa pamamagitan ng direktang pamilihan,kayo na mismo ang makikipagnegosasyon sa merkado ng hindi umasa sa middelmen, kaya ang buong kita ay papasok ng diretso sa inyong mga bulsa.at ikaapat, ang pag buo ng network ay nag papatunay na ang lakas ng magsasaka ay nasa pag kakaisa upang sama samang tugunan ang mas malaking mamimili.
Ang tagumpay ninyong ito ay hindi magiging madali, ngunit naging posible dahil sa matibay na kolaborasyon ng mga ahensyang nag bigay ng buong suporta sa inyo.ipinaabot ng kumapit farmer’s Association INC. ang tapos pusong pasasalamat sa Department of Agrarian Reform(DAR) ,sa pag bubukas ng pintong ito, sa Department of Agriculture(DA),sa pag
Babahagi ng mga kagamitan,sa ating Lokal na pamahalaan ng Lian(LGU Lian )sa pagiging matibay na tulay sa ating mga barangay sa Philippine coconut Authority(PCA) at sa department of Social welfare and development(dswd). Sa Rotary Club of Taal sa bigay na karagdagang allowance ng mga ka farmers na mga estudyante. Ito ang tunay na diwa ng bayanihan ng pamahalaan para sa mamamayan.
ang inyong sertipikong hawak ngayon ay hindi palamuti sa dingding,ito ay simbulo ng inyong bagong kapangyarihan at dignidad. Gamitin ninyo ito upang payabungin ang inyong mga lupain at bigyan ng mas magandan bukas ang inyong mga mahal sa buhay.
Muli maraming salamat pagpupugay sa inyong lahat, at mabuhay ang mga bagong agri-preneurs ng lian!