14/06/2026
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Exodo 19, 2-6a
Salmo 99, 2. 3. 5
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.
Roma 5, 6-11
Mateo 9, 36 – 10, 8
Eleventh Sunday in Ordinary Time (Green)
UNANG PAGBASA
Exodo 19, 2-6a
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, mula sa Refidim, nagpatuloy ang mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. Si Moises naman ay umakyat ng bundok upang makipag-usap sa Diyos.
Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel. ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. At tulad ng pangangalaga ng isang agila sa kanyang mga inakay, kayo’y aking kinupkop. Kung susundin ninyo ako at hindi kayo sisira sa pakikipagtipan ko sa inyo, kayo ang magiging bayan kong hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo’y aking itatangi. Kayo’y gagawin kong bayan ng mga saserdote na maglilingkod sa akin, nakatalaga sa akin.'”
Ang Salita ng Diyos.