08/10/2026
๐ต๐ธ !
๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ๐
October 7, 2026
๐๐ฅ๐ข๐ ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฅ ๐ง๐ข ๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐, ๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐! ๐ต๐ธ
Tatlong taon na ang nakalilipas ng paglunsad ng operation Al-aqsa Flood bilang pagtugon sa pananakop ng Israel sa Palestine, ang mahigpit na pagkakubkob sa Gaza, at ang walang humpay na karahasan ng mga maninirahan sa lupang kanilang inaangkin laban sa mamamayang Palestino. Ginamit ito ng gobyerno ng Israel bilang dahilan upang ilunsad ang isang madugong kampanya na nagdulot ng pagkamatay ng mahigit 80,000 katao: isang masaker na tinawag nilang "digmaan," ngunit sa katotohanan ay walang iba kundi paglipol sa isang buong bayan.
Nagkasundo nga ang Israel at Hamas sa tigil-putukan noong Oktubre 10, 2025, ngunit lumipas ang isang taon, nananatiling lubhang mahirap ang access sa pagkain, malinis na tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan dahil hawak pa rin ng Israel sa leeg ang Palestine. Naitala na sa loob lamang ng nakalipas na taon, lumabag ang Israel, sa tulong ng imperyalistang Estados Unidos, sa kasunduang ito nang mahigit 5,000 beses. Walang tigil ang paglabag, walang tigil ang paghihirap, at walang pananagutan ang mga may kapangyarihan.
Sa diwa ng tunay na pagsisilbi sa sangtakauhan, labis na ikinalulungkot at mariing kinokondena ng bawat BUeรฑos ang pagtanggap ng Bicol University sa na pagbisita ng Embahada ng Israel noong ika-6 ng Oktubre. Sa panahong patuloy ang pagdanak ng dugo at paglapastangan sa karapatang pantao sa Gaza, ang pagbibigay ng mainit na pagtanggap sa kinatawan ng isang estadong inakusahan ng paglunsad ng paglipol sa lahi ay direktang pagtalikod sa sarili nating bisyon bilang isang โUniversity for Humanity.โ Ang pagngiti at pagpapalakpak habang ang iba ay naghihikahos at namamatay ay pagtaksil sa mismong mga pagpapahalagang dapat ituro at ipagtatanggol ng institusyong ito.
Ang pakikibaka ng mga Palestino ay laban din ng mga Pilipino, at higit sa lahat, ito ay laban nating mga BUeรฑo. Tayo ay kapwa biktima ng panghihimasok, pagnanakaw ng yaman, at pang-aabuso ng mga imperyalistang bansa.
Hindi tayo maaaring manahimik kapag ang katarungan ay ipinagkakait sa iba. Ang kanilang paglaya ay hindi hiwalay sa atin: kung Palestinians ay mananatiling alipin, tayo rin ay mananatiling nakagapos sa parehong sistema ng pang-aapi.
WALANG TUNAY NA MALAYA HANGGAโT MAY ISA PANG ALIPIN! FREE PALESTINE!
๐