Basic Sectors Alliance for Continuity and Genuine Change Inc.

Basic Sectors Alliance for Continuity and  Genuine  Change Inc. It is a service institution, an NGO focusing on developing and empowering the 18 basic sectors of Philippine Society.

12/06/2026
PINAGSAMANG PAHAYAG NG PARTIDO NG BATAYANG SEKTOR (PnBS), BASIC SECTOR ALLIANCE FOR CONTINUITY AND GENUINE CHANGE (BASAC...
12/06/2026

PINAGSAMANG PAHAYAG NG PARTIDO NG BATAYANG SEKTOR (PnBS), BASIC SECTOR ALLIANCE FOR CONTINUITY AND GENUINE CHANGE (BASAC GC), AT SALAM COALITION

IKA-127 ANIBERSARYO NG KALAYAAN NG PILIPINAS Hunyo 12, 2026

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

Sa paggunita natin sa ika-127 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, buong pagmamalaki nating inaalala ang kabayanihan, sakripisyo, at paglaban ng ating mga ninuno laban sa dayuhang pananakop at pang-aapi.

Ngunit ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan. Ang kalayaan ay isang patuloy na pakikibaka laban sa kahirapan, korapsyon, kawalan ng hustisya, abuso sa kapangyarihan, at anumang puwersang nagpapahirap at nagpapatahimik sa mamamayan.

Sa kasalukuyan, milyun-milyong Pilipino ang patuloy na dumaranas ng gutom, kawalan ng disenteng trabaho, mataas na presyo ng mga bilihin, mababang kita ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at malawakang katiwalian sa iba't ibang sangay ng pamahalaan. Hindi ganap ang kalayaan kung ang mamamayan ay nananatiling bihag ng kahirapan, kawalang pag-asa, at sistemang nagsisilbi lamang sa iilan.

Naninindigan ang PnBS, BASAC GC, at SALAM Coalition na ang tunay na kalayaan ay nangangahulugan ng isang pamahalaang tapat, may pananagutan, at nagsisilbi sa sambayanan; isang lipunang may katarungan para sa mahihirap at inaapi; at isang bansang malaya sa kahirapan korapsyon, pang-aabuso, at anumang uri ng pananamantala.

Nanawagan tayo sa sambayanang Pilipino na magkaisa, mamulat, makilahok, at manindigan para sa tunay na pagbabago. Huwag nating hayaang maging hungkag na pagdiriwang lamang ang Araw ng Kalayaan. Gawin natin itong araw ng muling pag-aalay ng ating sarili para sa bayan, katotohanan, katarungan, at pambansang dignidad.

Ang kalayaan ay hindi regalo. Ito ay ipinaglalaban, ipinagtatanggol, at pinananatili sa bawat henerasyon.

Sa diwa ng pagkakaisa ng mga batayang sektor, ng mga taong may pananampalataya, at ng lahat ng nagmamahal sa bayan, ating ipagpatuloy ang pakikibaka para sa isang Pilipinas na tunay na malaya, makatarungan, mapayapa, at maunlad.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang mga batayang sektor! Mabuhay ang pagkakaisa ng mamamayan! Mabuhay ang Kalayaan!

PARTIDO NG BATAYANG SEKTOR (PnBS) "Boses ng Batayang Sektor, Tinig ng Tunay na Pagbabago"

BASIC SECTOR ALLIANCE FOR CONTINUITY AND GENUINE CHANGE (BASAC GC) "Pagkakaisa ng Mamamayan para sa Tunay na Pagbabago"

SALAM COALITION "Faith in God. Service to People. Love for Nation."

Ang pagkabigo ng administrasyong Marcos Jr. na makakuha ng puwesto sa United Nations Security Council ay malinaw na mens...
04/06/2026

Ang pagkabigo ng administrasyong Marcos Jr. na makakuha ng puwesto sa United Nations Security Council ay malinaw na mensahe mula sa pandaigdigang komunidad:

Hindi maaaring pagtakpan ng magagandang salita at diplomasya ang mga seryosong usapin ng karapatang pantao, korapsyon, at krisis sa pamamahala.

Ang tiwala ng mundo ay hindi nakukuha sa propaganda kundi sa konkretong paggalang sa buhay, kalayaan, at dignidad ng mamamayan.

Habang patuloy na hinaharap ng bansa ang mga alegasyon ng extrajudicial killings, paglabag sa karapatang pantao, panunupil sa mga kritiko, at lumalalang kahirapan, hindi kataka-takang maraming bansa ang nag-alinlangan na ipagkatiwala sa kasalukuyang administrasyon ang isang mahalagang papel sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

Ito ay hindi lamang pagkatalo sa isang botohan. Isa itong babala na ang tunay na kredibilidad ay nakasalalay sa mabuting pamamahala, pananagutan, at paggalang sa karapatang pantao. Hangga't hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga seryosong suliraning ito, mananatiling mabigat ang anino ng pagdududa sa pangalan ng Pilipinas sa mata ng daigdig.

PnBS News Agency: Nagpulong ang mga kinatawan ng Partido ng Batayang Sektor (PnBS) Real Council  at ang People’s Council...
12/05/2026

PnBS News Agency:

Nagpulong ang mga kinatawan ng Partido ng Batayang Sektor (PnBS) Real Council at ang People’s Council of Real noong Mayo 11, 2026 upang pormal na tanggapin at kilalanin ang organisasyon bilang bahagi ng konseho. Idinaos ang pagpupulong sa municipal conference room kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng partisipasyon ng mga batayang sektor sa mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga dumalo, mahalagang hakbang ito upang mas mapalawak ang boses ng mamamayan sa usapin ng pamamahala at pagpapaunlad ng komunidad. Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng PnBS Real Council sa mainit na pagtanggap at nangakong magiging katuwang sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa mga mamamayan ng Real.

PAHAYAGMariing kinokondena ng aming hanay ang tangkang pag-aresto kay Ronald dela Rosa kaugnay ng inilabas na alleged wa...
11/05/2026

PAHAYAG

Mariing kinokondena ng aming hanay ang tangkang pag-aresto kay Ronald dela Rosa kaugnay ng inilabas na alleged warrant mula sa International Criminal Court.

Naninindigan kami na ang usaping ito ay dapat resolbahin sa loob ng balangkas ng soberanya at sariling sistemang panghukuman ng Pilipinas. Ang alleged ICC Warrant of Arrest ay dapat dumaan sa hukuman ng bansa upang masinsinang masuri bago ipatupad.

Naniniwala kami na ang bawat mamamayan, lalo na ang mga opisyal ng pamahalaan na naglingkod sa bayan, ay may karapatang mabigyan ng due process at patas na pagdinig alinsunod sa ating Saligang Batas at mga umiiral na batas ng bansa. Hindi dapat pahintulutan na ang mga usaping may malaking implikasyong pampulitika ay magamit upang pahinain ang mga personalidad na naging bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga.

Si Sen. Bato dela Rosa ay nagsilbi bilang dating hepe ng Philippine National Police sa panahon na maigting ang kampanya laban sa droga, na ang pangunahing layunin ay mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan. Bagama’t may mga kontrobersyang ibinabato laban sa kampanyang ito, mahalagang kilalanin na maraming Pilipino rin ang naniwalang nagkaroon ito ng malaking ambag sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at disiplina sa mga komunidad.

Dahil dito, nananawagan kami sa pamahalaan na tiyaking mapangangalagaan ang karapatan ni Sen. Bato at hindi basta-basta magpadala sa panlabas na impluwensya na maaaring makasagasa sa pambansang dignidad at soberanya ng Pilipinas.

Sa huli, ang tunay na hustisya ay dapat nakabatay sa katotohanan, due process, at paggalang sa ating mga institusyon bilang isang malayang bansa.

Atty. Noel K. Felongco
Founding Chair/ President
Partido ng Batayang Sektor ( PnBS)
Basic Sectors Alliance for Continuity and Genuine Change ( BASAC GC)

11/05/2026

Ayon sa aking bubuwit!!!!Wala na!!!Lutong Makaw ang plenary debate ngayong araw!!!! Majority na ang boboto ng YES!!! Kasi tinatakot ang mga Congressmen/women!!! Nakasusuka ang gobyerno ng Marcos Jr.

PnBS News agency:Nagkaroon ng makahulugang pagkikita sina Sec. Nancy Catamco, Chairperson ng National Commission on Indi...
07/05/2026

PnBS News agency:

Nagkaroon ng makahulugang pagkikita sina Sec. Nancy Catamco, Chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Atty. Noel K. Felongco, PnBS Founding Chair at National President kagabi sa Grand Summit Hotel sa General Santos City.

Nagkaroon ng mainit at magiliw na kumustahan ang NCIP Chair at Atty. Felongco na dating commissioner din ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), kabilang ang palitan ng pananaw hinggil sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa bansa.

Ang naturang pagtitipon ay sponsored ng UNDP at ng New Zealand Embassy sa Pilipinas at dinaluhan ito ng iba’t ibang kinatawan at lider mula sa sektor ng mga katutubo at lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Address

MJ Cuenco, Barangay Lamacan
Lamacan
6021

Telephone

+639456692727

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Basic Sectors Alliance for Continuity and Genuine Change Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Basic Sectors Alliance for Continuity and Genuine Change Inc.:

Share