05/07/2026
mag ingat at maging handa po ...
NAPAKALAKAS NA SUPER BAGYONG 'INDAY' O 'BAVI' PAPALAPIT NA SA MARIANA ISLANDS! 🙏
LOOK: Tila'y nangangalit ang super bagyong tatawaging o habang patuloy ang paglakas nito bago tumama o dumaplis sa mga maliliit na isla ng Rota, Saipan, at Tinian. Babayuhin rin ng super bagyo ang na kalapit nito.
Inaasahang bukas, July 6, tatama ang super bagyong Inday sa lugar ng Northern Mariana Islands bilang Category 5 super typhoon. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Amerika, inaasahang aabot ang 1-minute sustained winds nito sa 280 km/h bago hambalusin ang mga isla na iyan.
Dahil 1/3 ng Mariana Islands ay Filipino, pinapayuhan namin ang mga OFW na mag-ingat at sumunod sa abiso ng mga lokal na opisyal. Itinaas na rin ang COR 1, ang pinakamataas na babala para sa mga bagyo sa Guam.
Ayon sa 3:00 p.m. update ng PAGASA, lalo pang lumakas ang super typhoon na tatawaging sa oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay na nito ang lakas ng hanging 205 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 250 km/h, habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Ayon sa PAGASA, posible nang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa ilang bahagi ng sa Martes habang papalapit ang bagyo.
Batay sa kasalukuyang forecast, inaasahang kikilos ang sentro ng super typhoon malapit sa pinakahilagang bahagi ng bago tumama sa Taiwan sa Biyernes. Bagama't wala pa ring inaasahang direktang landfall sa Pilipinas, inaasahang palalakasin nito ang , na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin dahil maaari pang magbago ang tatahaking landas, lakas, at mga posibleng epekto ng bagyo.
📸: EUMETSAT via Windy