26/09/2026
Republic Act No. 10627, or the Anti-Bullying Act of 2013.
Ang R.A No.10627, or Anti-Bullying Act ay batas na nag-uutos sa lahat ng elementarya at sekondaryang paaralan (pampubliko at pribado) sa buong Pilipinas na gumawa at ipatupad ng patakaran laban sa bullying. Layunin nitong protektahan ang mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pananakit at pananakot, at panatilihing ligtas at maayos ang kapaligiran sa paaralan. Nilagda ito noong Setyembre 12, 2013.
Ano nga ba ang bullyingโ๐ค,
Let me explain something๐
Ang bullying ay anumang paulit-ulit o matinding gawain ng isang o higit pang estudyante laban sa kapwa na nagdudulot ng takot, sakit, o pinsala ang mga uri nito ay:
- ๐น Pisikal โ panununtok, panunulak, paninipa, pananampal
- ๐น Berbal โ panlalait, pangungutya, pagtawag ng masamang pangalan
- ๐น Sikolohikal โ pagpapahiya, paghihiwalay sa iba, pananakot
- ๐น Cyberbullying โ pananakit gamit ang social media, text, chat, o anumang elektronikong paraan.
Ano-ano ba ang nararapat mong gawin kung sakaling makaranas o maka saksi ng bullying?
โ
Iulat agad sa g**o, punong-g**o, o guidance counselor kapag nakakita o nakaranas ng bullying.
โ
Huwag manahimik, ang pananahimik ay lalo pang nagpapatapang sa nang-aapi.
โ
Maging mabuti at magalang sa kapwa, huwag makilahok sa anumang uri ng panlalait o pananakit.
โ
Kung ikaw ay biktima: sabihin agad sa magulang o sa may kapangyarihan sa paaralan, karapatan mong protektahan.
๐ฃAng batas ay gabay, ngunit ang kabutihan ang tunay na sandata laban sa pang-aapi. Huwag kang manahimik, huwag kang manakit, dahil ang bawat isa sa atin ay may kakayahang maging dahilan ng pag-asa at hindi ng pagdurusa. Ito ang tunay na diwa ng RA 10627, proteksyon para sa lahat, respeto sa bawat isa.
๐ Tandaan mga kabarkada, huwag nating hintayin na may masaktan bago tayo kumilos. Maging boses ng mga walang boses, maging sandigan ng mga naaapi๐ซถ๐ป.
โ๏ธ Penned | Rosamia Grace Marayag, Grade 11 Representative
๐ผ๏ธ Layout | Carl Bron, P.I.O.
๐ Proofread | BKB Executive Officer