30/05/2026
MAINAM AY HUWAG NA PONG TAWAGIN ANG TAONG NAGHAJJ NA HADJI / HAJJI OR HADJA / HAJJA PAGKATAPOS NIYANG MAISAGAWA ANG HAJJ!
Kapag kasalukuyan siyang nagsasagawa ng Hajj, maaari siyang tawaging: HADJI / HAJJI or HADJA / HAJJA. Kapag natapos na niyang isagawa ang ang Hajj ay hindi mainam na tawagin parin siyang Hadji / Hajji or Hadja / Hajja. Katulad din ito ang pagsasagawa ng Salâh, Zakâh, pag-aayuno at iba pang mga Ibâdah.
Mainam sa isang Muslim na lumayo sa ganitong katawagan upang malayo sa riyya (pagiging pakitang-tao) at ang kanyang ginagawang Ibâdah ay para lamang sa Allâh.
سئل الشيخ ابن عثيمين : في معظم الدول الإسلامية فور عودة الحجيج من الأراضي المقدسة بعد أداء الفريضة يلقب من أدى الفريضة بلقب حاج وتظل ملازمة له دائماً فما حكم ذلك ؟
Tinanong si Sheikh Uthaimeen hinggil sa bagay na ito: Karamihan sa Islamic Countries pagkatapos na bumalik ang mga peregrino mula sa Banal na Lupain (Makkah) pagkatapos gawin ang obligadong tungkulin (Hajj), ang nagsagawa ng obligadong tungkulin (Hajj) ay binibigyan ng titulong Hajj at ito ay nananatili sa kanya palagi, anong hatol patungkol dito?
فأجاب فضيلته بقوله : ❞ هذا خطأ ؛ لأن فيه نوعاً من الرياء ، لا يتلقب بذلك ولا ينبغي أن يدعوه الناس بذلك ؛ لأنه ما كان الناس في عهد الرسول ﷺ يقولون للحاج أنت حاج ❝ مجموع الفتاوى والرسائل ( ٢٤ / ٢٠٤ )
Kanyang sinabi: ❝Ito ay mali (hindi tama), katunayan napapaloob rito ang isang uri ng riyya (pakitang-tao o pagpaparinig). Huwag niyang gamitin ang katawagang ito at hindi bagay sa mga tao na tawagin siya nito dahil hindi ito naging kaugalian ng mga sinaunang mga tao sa panahon ng Propeta ﷺ na tatawagin ang isang nagsagawa ng Hajj na: Ikaw ay Hajji.❞ Al-Fatâwâa Wa Ar-Rasâil (24/204)
📍Ito dapat unawaing mabuti;
🔹Sa Middle East (specially sa KSA), kahit ilang pong beses pa sila magsagawa ng Hajj hindi nila ito tinatawag na Hadji / Hajji or Hadja / Hajjah. Kaya, mainam na iwasan po ang ganitong katawagan at sapat na tawagin ang tao sa kanyang pangalan upang malayo sa riyya (pakitang-tao).
🔹Ang salitang HUJJÂJ ay isang arabikong kataga na pangmaramihan (plural), ang ibig sabihin nito ay DHUYUWFUR RAHMÂN. Ang tagalog ng DHUYUWFUR RAHMÂN ay mga bisita ng Allâh.
Ang pang-isahan (singular) ng HUJJÂJ ay Hâjj (Hajji / Hajjah). Ibig sabihin habang nasa Haramul Makki borders pa sila mga bisita sila ng Allâh, kaya may maririnig ka na: Hajii.. Hajji.. Tareeq (Hajji.. Hajji padaan). Pag nasa Masjid Al-Haram ka kahit anong buwan o araw tatawagin ka talaga ng Hajji or Hajjah kasi nga bisita ka ng Allâh sa oras na iyon.
Ang usaping ito ay hindi po pamimersonal sa mga kapatid natin na nagsagawa ng Hajj kundi ito ay bilang paalaala lamang at hindi pagpapatama o pagpaparinig sa sinuman! In Short, concerns lang tayo sa kanila upang sa gayon hindi mahulog sa riyya ang kanilang mga ginagawang Ibâdah.
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)