31/08/2024
๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
Matagumpay nating ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 30, 2024, sa NVC Gymnasium sa temang โFilipino: Wikang Mapagpalaya.โ Ang pagdiriwang na ito, sa pakikipagtulungan ng NVC BSEd Department , NVC BEED Department, NVC BPed&BCaed, ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng wikang Filipino bilang wika ng kalayaan at pagkakaisa.
Nagsimula ang palatuntunan sa pambungad na pananalita ni Gng. Joyce Cipriano at nagpatuloy sa iba't ibang pagtatanghal ng mga mag-aaral tulad ng makulay na balagtasan, makabayang tula,Katutubong sayaw, damdaming awit at sayawit, malikhaing dula,sabayang pagbigkas, at ang nakaka-engganyong pambansang kasuotan ng mga lakan at lakambini mula sa iba't ibang mga clubs at flash mob ng Bcaed at Bped na lahat napahanga at nasupresa.
Bukod pa rito, pinasinayaan ng Samahan ng mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Araling Panlipunan sa NVC ang pagbebenta ng mga pagkaing Filipino na nagbigay lasa at dagdag saya sa pagdiriwang, na nagpapaalala ng mayamang kultura at tradisyon ng ating bansa.
Pinangunahan ni Robinson V. Solina ang g**o ng palatuntunan at sa pagdalo ng panauhing pandangal na si Gng. Jasper Mae M. Blanco at ang makabuluhang mensahe mula kay Dr. Marianne L. Quimpo, Dekana ng edukasiyon sa kolehiyo. Sa pagtatapos ng programa, ang pangwakas na pananalita ni Bb. Jessel Espinosa pangulo ng Tanglaw ng wika ay nagbigay-pugay sa lahat ng nakiisa sa selebrasyon.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot kay Propesora Erlinda Bautista sa kanyang walang sawang suporta at sa NVC The Forum Publication sa pagkuha ng mga kahanga-hangang litrato ng bawat mahalagang sandali ng pagdiriwang na ito.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Patuloy nating yakapin at ipagdiwang ang ating wika bilang simbolo ng ating kasarinlan at kalayaan.
๐ผ๐๐๐ ๐๐: ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ. ๐บ๐๐๐๐๐
๐๐๐
๐๐: NVC The Forum Publication