08/02/2025
Sepagan inihalal na tagapangulo ng BSP Iriga Youth Council
Naihalal ang kasalukuyang Grand Regent Officer ng Outfit No. 39 ng UNEP BSP na si SSCT. Amber Kim Sepagan bilang Chairman ng BSP Iriga Youth Council Office.
Kasama ni Sepagan sina SSCT. Felix Manuel Bernales na naihalal na Sgt., si SSCT. Kit Gerard Corporal naman ay naihalal na Es**rt at sina SSCT. Karl Zhedrick Ibarondo at SSCT. John Kevin Abonita naman ang itinalagang kinatawan ng pamantasan.
Ang nasabing eleksiyon ay bahagi ng pagsasagawa ng COUNCIL SCOUT YOUTH FORUM sa BSP Iriga City Council Office, San Nicolas, Lungsod ng Iriga.
Patunay lamang ito na mataas ang pagtitiwala ng konseho sa kakayahan, talino, at kapasidad ng mga magigiting na scouts ng UNEP.
Tunay ngang Basta UNEPian Scouts, Laging handa 'yan!