05/04/2026
SINO SI Jesus at SINO si CRISTO??
SHARING is CARING 📖 📖 📖
MAGSURI PO NG BIBLIA
Ang Hesus at ang Cristo!
Ano ang pakilala ni Hesus patungkol sa kanyang sarili?
Siya ay sinugo at anak ng Diyos
Juan 10:36
Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?
Siya ay may laman at buto.
Dito sa talatang ito, si Hesus ay galing na sa langit, bumaba sa lupa at nagpakita sa kanyang mga kapatid. At ipinaliwanag niya ang pagkakaiba niya sa Diyos.
LUCAS 24:39 kjv
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
Dito nagpapatotoo si Hesus sa kanyang mga alagad na siya ay tao - may laman at buto. Hindi siya espiritu, gaya ng Ama.
Ano naman ang Cristo?
[1 CORINTO 1:24 ]
24 Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.
Kung tinawag ka ng Diyos, ang unawa mo sa Cristo - ito ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos.
Q: Ano ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos?
Noong panahon ni Haring Solomon, binanggit na ang karunungan, ito ang kasa- kasama ng Diyos at katulong sa gawain. At sa lahat ng nilikha, ang karunungan ang nauna.
Basahin ang buong chapter
(Kawikaan 8:1-36)
Dito sa Verse 11-12, 27-30 “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,
anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.
12 Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan,
itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan.
27 Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na,
maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.
28 Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
29 Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,
30 ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.
Maliwanag ang nakasulat.
Ang karunungan ang naunang nilikha at ang karunungan ang kasa- kasama ng Diyos at katulong sa gawain o paglikha.
Ano karunungan ng Diyos?
Ito ba si Hesus?
Noong panahon ni Moises, at panahon ni Pablo, nilinaw o naging maliwanag na or nagkaroon ng definition kung ano karunungan.
Unahin natin , noong panahon ni Moises.
Ecclesiastico 24:23-24
Ang karunungan ay ang Kautusan,
ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,
ang mana ng sambayanan ng Israel.
Baruc 4:1-4
Ang karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,
ang batas na mananatili magpakailanman.
Ang manghawak dito'y mabubuhay
at ang tumalikod ay mamamatay.
2 O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karunungan
at lumakad kayo sa kanyang liwanag.
3 Huwag ninyong ibigay sa ibang lahi
ang inyong karangalan at mga karapatan.
4 Mapalad tayo, mga Israelita,
sapagkat alam natin kung ano ang nakalulugod sa Diyos.
Dito naging maliwanag na kung sino or ano itong karunungan ng Diyos.
Ito ang kanyang KAUTUSAN.
Balikan natin si Pablo, kinumpirma niya ( confirmed) na yun Cristo , ito yun kautusan o batas ng Diyos na isinulat sa bato.
At panahon pa rin ni Moises ang binabanggit dito.
1 CORINTO 10:1-4
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na P**a.
2 Sa gayon, nabautismuhan silang lahat[a] sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises.
3 Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal,
4 at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo.
Dito sa Verse 4, ang sabi " at ang batong iyon ay si Cristo"
Ano po yun batong espiritual?
Ito ang batas o 10 utos ng Diyos na isinulat sa bato.
Iyan ang kasa- Kasama ng Diyos sa paglikha.
Balikan natin yun tanong kanina.
Kung tinawag ka ng Diyos, ang unawa mo sa Cristo - ito ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos.
Paano naman kung hindi ka tinawag? Or ang mga lider ng mga relihiyon ang tumawag sa iyo? Ano ang unawa mo sa Cristo?
Sagot: Ito si Hesus.
Si Hesus, hindi siya ang Cristo kundi ginawang Cristo at panginoon.
GAWA 2:36
Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
Maliwanag ang nakasulat. Si Hesus, ginawang Cristo at panginoon.
Q; Sino ang nasa tabi ng trono ng Diyos? Si Hesus ba? O ang Cristo - ito nga ang karunungan.
Ganito ang sabi ni Haring Solomon.
(KARUNUNGAN NI SOLOMON 9:4)
Bahaginan mo ako ng Karunungang nakaluklok sa tabi ng iyong trono,
at ibilang mo ako sa iyong mga lingkod.
Maliwanag, yun nasa tabi ng trono ng Diyos ay ang karunungan. Ito nga ang kautusan na ginagamit ng Diyos na batayan sa paghatol sa inililigtas at parurusahan.
Hebreo 5:7
Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba.
Sino ang tinutukoy dito na nanalangin at lumuluhang nakikiusap sa Diyos na makapag liligtas sa kanya sa impiyerno?
Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos ba? O si Hesus?
Dito na ninyo mauunawaan ang pagkakaiba ng Hesus at Cristo.
Kapag sinabing Jesus Christ -
Hesus ( tao ) Cristo ( karunungan at kapangyarihan ng Diyos ).
Hesus (Tao) at Kautusan ng Diyos.
Iyan ang Jesus Christ na babalik, hindi na literal na Jesus Christ.
Ano naman ang kapangyarihan ng Diyos?
SAGOT: Ito ang Batas o Kautusan Banal ito ang kanyang sukatan ng kanyang pagpaparusa at gantimpala..paki basa po sa Biblia nyo 📖📖📖
PAGPAPALA NG DIYOS KUNG TUTUPAD TAYO SA MGA UTOS.
Levitico 26:1-13 / Deut.28:1-14 / Isaias 2:2-5 MBB
PARUSA AT SUMPA NG DIYOS KUNG LALABAG TAYO SA MGA UTOS.
Levitico 26:14-46 / Deut.28:15-68 / Jeremias 25:29-38 /4-7 )