Road safety advocate of the philippines region six

Road safety advocate of the philippines region six RSAP= Riders Safety advocates of the philippines region 6, sa mga problema sa maling pagpapatupad ng batas sa region y, dito mag report sa page.

16/05/2026
14/05/2026

14 May 2026, Thursday

Dr. Richard and Erika Mata

Huwag po ninyong kalimutan na may sariling galing at kakayahan ang Office of the Vice President, at hindi sila madaling linlangin na katulad ng mga iniisip ninyo.

Wala nang kaugnayan si Colonel BOSITA (Ret.) sa 1-Rider Party-list mula noong 2025 Elections na kumandidato siyang Senador, at wala nang saysay pa ang anumang komento na inyong hinihingi kaugnay sa impeachment ni VP Inday Sara Duterte.

Para sa inyong kapayapaan, iminumungkahi namin na mag-research kayo at huwag masanay na umasa lamang sa mga kwento. Kung hindi naman ninyo kayang gawin ‘yan, si Colonel BOSITA (Ret.) ay handang humarap sa inyo para sa live interview.

Sa gan’yang pamamaraan ay masusuri ninyo at ng mga naniniwala sa inyo kung may katotohanan ang masama ninyong paratang sa kanya na “namamangka sa dalawang ilog” dahil lamang sa ginawang courtessy call sa Ikalawang Pangulo ng ating bansa kaugnay sa aming adbokasiya.

Maari kayong makipag-ugnayan sa amin (RSAP Hotlines: 09176782016, 09209601999) anumang oras ng araw o gabi para sa nabanggit na live interview.

Sama-sama po nating isulong ang pagbabago, at huwag na tayong tumulad sa iba!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines

Malaking karangalan at inspirasyon sa atin ang inilabas na pahayag ng Ikalawang Pangulo ng ating bansa, VP INDAY SARA DU...
14/05/2026

Malaking karangalan at inspirasyon sa atin ang inilabas na pahayag ng Ikalawang Pangulo ng ating bansa, VP INDAY SARA DUTERTE, na kanyang sinusuportahan ang ating adbokasiya.

Ang kanyang tiwala at suporta sa ating adbokasiya ay lalong nagbigay ng lakas ng loob at pag-asa sa atin para maging matatag sa pagtataguyod ng kaligtasan at proteksyon ng mga motorista sa ating bansa.

Napakainam po na ang Ikalawang Pangulo ng ating bansa ay kapareho ng ating paniniwala na mahalaga ang buhay ng bawat Pilipino kabilang ang mga motorista at ang kanilang pamilya-

“Sa bawat aksidente at disgrasya- naiwanang pamilya ang higit na biktima lalo na ang mga batang naulila.”

Makakaasa po ang Ikalawang Pangulo ng ating bansa, VP DUTERTE, at ang ating mga kababayan na susuporta at makikisa ang RSAP sa kanyang isinusulong at panawagan-

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.” by: VP Inday Sara Duterte

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines

13/05/2026
13/05/2026

Sa ngalan po ng kapatid nating rider at ng kanyang pamilya, at RSAP,

Maraming salamat po ASec. MARKUS V. LACANILAO, LTO-Chief sa mabilis na aksyon at pagtugon sa insidenteng kinasangkutan ng isang rider na Pulis.

Ang inyong ginawa ay patunay na wala kayong pinipili at walang kinikilingan- pulis o sinuman, basta lumabag sa mandato ng LTO, may aksyon agad kayo.

Patuloy po nating suportahan ang ating LTO para sa Diyos at para sa Bayan!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines

Sa ngalan po ng kapatid nating rider at ng kanyang pamilya, at RSAP,Maraming salamat po PMGEN PMGEN ANTHONY A ABERIN, Re...
13/05/2026

Sa ngalan po ng kapatid nating rider at ng kanyang pamilya, at RSAP,

Maraming salamat po PMGEN PMGEN ANTHONY A ABERIN, Regional Director, National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa mabilis na aksyon at pagtugon sa insidenteng kinasangkutan ng isang kawani ng Quezon City Police District (QCPD).

Arestado na, at sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang pulis na sinasabing nanulak sa kapwa rider na naging dahilan ng aksidente. (Kasalukuyang sumasailalim sa medical checkup ang naarestong pulis nang ilabas natin ang post na ito).

Ang mabilis na pagtugon ng PNP sa nasabing insidente ay patunay na hindi nila kinukunsinte ang maling ginagawa ng sinuman nilang kawani, at binibigyan nila ito ng karampatang aksyon alinsunod sa mandato ng Batas.

Patuloy po nating suportahan ang ating PNP para sa Diyos at para sa Bayan!

Colonel BONIFACIO LAQUI BOSITA, Ret.
Chairman
Road Safety Advocates of the Philippines

Address

Block 02, Lot 12, Carmen J. Ledesma Village, Brgy. Tacas Jaro
Iloilo City
5000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Road safety advocate of the philippines region six posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share