KAMDAFil

KAMDAFil Ito ang opisyal na page ng KAMDAFIL, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro - ISPSC Sta. Maria Campus.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐—š. ๐—š๐—œ๐—”๐—ก ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฆ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจTaos-pusong pagbati kay G. Gian Delos Santos, Tagapamahala ng Negosyo ng KAMDAFIL, sa ...
31/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ, ๐—š. ๐—š๐—œ๐—”๐—ก ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฆ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Taos-pusong pagbati kay G. Gian Delos Santos, Tagapamahala ng Negosyo ng KAMDAFIL, sa pagkakamit ng Unang Gantimpala sa Deklamasyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026!

Higit pa sa isang parangal, ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong tiyaga, paghahanda, at buong pusong pagbibigay-buhay sa bawat salitang iyong binigkas. Sa bawat taludtod at damdaming iyong ipinamalas, naipadama mo kung gaano kaganda at kalakas ang tinig ng Wikang Filipino.

Ang KAMDAFIL ay tunay na ipinagmamalaki ang iyong tagumpay. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy mong pagyamanin ang iyong talento at gamitin ang iyong tinig upang bigyang-halaga ang ating wika at kultura.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Buwan ng Wikang Pambansa 2026๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” Pinangunahan ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na Nag...
28/08/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Buwan ng Wikang Pambansa 2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” Pinangunahan ng mga opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino (KAMDAFIL), sa pangunguna ni Pangulong John Russel H. Combis, ang iba't ibang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Ilocos Sur Polytechnic State Collegeโ€“Santa Maria Campus.

Kabilang sa mga isinagawang patimpalak ang Tagisan ng Talino, Pagsulat ng Sanaysay, at Paglikha ng Logo at Slogan, na ginanap sa Silid-Aklatan at Conference Room ng kampus. Naging katuwang din sa pagsasagawa ng mga aktibidad ang ilang opisyal ng Supreme Student Council (SSC), na nagpaigting sa pakikiisa at pagtutulungan ng mga organisasyon sa pagdiriwang.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang talino, pagkamalikhain, at husay sa paggamit ng wikang Filipino, kasabay ng pagkilala sa makabagong teknolohiya bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.

Isinagawa ang mga patimpalak sa ilalim ng temang โ€œ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—œ: ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป,โ€ na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wika at artificial intelligence sa paghahanap, pag-unawa, at pagbabahagi ng kaalaman.


๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Isang panibagong panata para sa mas makabuluhang paglilingkod.Pormal nang nanumpa ang mga bagong hala...
28/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Isang panibagong panata para sa mas makabuluhang paglilingkod.

Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino (KAMDAFIL) sa isinagawang PANAGSAPATA 2026, ang opisyal na seremonya ng panunumpa ng mga bagong halal at itinalagang pinuno ng mga organisasyon ng Ilocos Sur Polytechnic State College, Sta. Maria Campus. Ginanap ang seremonya sa ISPSC Sta. Maria Gymnasium.

Bilang isa sa mga accredited student organizations ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, buong puso at pagpapakumbaba nilang tinanggap ang panata ng paglilingkod, isang pangakong gampanan ang kanilang tungkulin nang may katapatan, pananagutan, at malasakit sa bawat mag-aaral na kanilang kinakatawan.

Ang panunumpang ito ay hindi lamang tungkol sa paghawak ng posisyon. Higit sa lahat, ito ay isang panata na maglingkod, makinig, kumilos, at manindigan para sa ikabubuti ng organisasyon at ng mga mag-aaral.

Sa pagharap nila sa panibagong yugto ng kanilang pamumuno, nawaโ€™y lagi nilang alalahanin na ang isang tunay na lider ay hindi lamang nauunang manguna, kundi marunong ding makinig, handang umunawa, at kusang naglilingkod.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang bawat hakbang ng bagong hanay ng mga opisyal ng KAMDAFIL. Nawaโ€™y ang kanilang mga salita ay maging tinig ng mga mag-aaral, ang kanilang mga gawa ay maging halimbawa ng paglilingkod, at ang kanilang pamumuno ay maging daan tungo sa isang mas nagkakaisa, mas aktibo, at mas makabuluhang KAMDAFIL.

Isang panata. Isang layunin. Isang KAMDAFIL na handang maglingkod.

Mabuhay ang bagong hanay ng mga opisyal ng KAMDAFIL! Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Mga Opisyal ng KAMDAFil, Dumalo sa Sine-Tertulya 2026Dumalo ang mga opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na Na...
27/08/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Mga Opisyal ng KAMDAFil, Dumalo sa Sine-Tertulya 2026

Dumalo ang mga opisyal ng Kapisanan ng mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino (KAMDAFil) sa isinagawang Sine-Tertulya 2026 noong Agosto 27 sa Main Campus ng Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

May temang โ€œSine-Tertulya โ€“ Pelikula, Wikang Filipino, at Artificial Intelligence,โ€ itinampok sa aktibidad ang pelikula bilang lunsaran ng makabuluhang talakayan hinggil sa wikang Filipino, kultura, panitikan, at mga makabagong teknolohiya. Tampok din sa programa ang mga piling pelikula at dokumentaryo ng direktor at film-maker na si Ginoong Dexter Macaraeg, na nagsilbing pangunahing tagapagsalita.

Sa pamamagitan ng Sine-Tertulya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo, kabilang ang mga opisyal ng KAMDAFil, na mapalawak ang kanilang pag-unawa sa ugnayan ng pelikula, wika, kultura, at teknolohiya. Naging daan din ito upang higit na mapahalagahan ang pelikula bilang salamin ng karanasan, identidad, at kultura ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Dr. Rommel Tabula, Dekano ng College of Teacher Education (CTE) sa Main Campus, ang kahalagahan ng pag-uugnay ng sine, tertulya, at artificial intelligence sa pagkatuto at pakikipagtalastasan. Samantala, binigyang-diin naman ni Dr. Ana Blesilda Atendido, na kumatawan kay Dr. Jocelyn Absolor, Vice President for Research, Development and Extension, ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, inobasyon, at pagkakakilanlan.

Ayon naman kay Dr. Monita Pops F. Ambrocio, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, layunin ng Sine-Tertulya na mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pelikula, na aniya ay repleksyon ng kabuhayan, kultura, at pagiging Pilipino.

Sa talakayan, ibinahagi ni Direk Macaraeg ang kaniyang mga karanasan sa industriya ng sining at literatura, kasabay ng pagpapalabas ng ilan sa kaniyang mga obra gaya ng Protected Hill, Salidumay, Tata Pilo, at Am-amma (Heirloom). Itinatampok ng mga ito ang kuwento ng mga pamayanan, kulturang katutubo, pamanang kultura, at identidad.

Sa pakikiisa ng mga opisyal ng KAMDAFil sa Sine-Tertulya 2026, higit nilang nasaksihan ang kahalagahan ng patuloy na pagtataguyod sa wikang Filipino at sa mga anyo ng sining na nagsisilbing tinig ng kultura at karanasan ng mga Pilipino.

Sa kabuuan, nagsilbing makabuluhang espasyo ang Sine-Tertulya 2026 para sa pagkatuto, pakikipagtalastasan, at pagpapahalaga sa wika at kultura, kasabay ng pagharap sa mga oportunidad at hamon na dulot ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence.



๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒSa darating na Lakan at Lakambini ng Wika 2026, buong puso at buong dangal na ipinapakila...
24/08/2026

๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Sa darating na Lakan at Lakambini ng Wika 2026, buong puso at buong dangal na ipinapakilala ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro ang aming dalawang pambato.

Sila ang hahakbang sa entablado dala ang pangalan ng aming kolehiyo, ang aming suporta, at ang aming pagmamalaki. Sa bawat salita, bawat hakbang, at bawat paninindigan, dala nila ang isang paalala: ang pagiging Pilipino ay hindi lamang nasusukat sa ganda ng anyo, kundi sa lalim ng pagmamahal sa sariling wika, kultura, at bayan.

Hindi man natin alam kung saan hahantong ang kanilang paglalakbay, isang bagay ang tiyak. Hindi sila haharap nang nag-iisa.

Nasa likod nila ang isang kolehiyong naniniwala sa kanilang kakayahan, isang komunidad na buong pusong sumusuporta, at mga taong handang sumigaw ng kanilang pangalan hanggang sa dulo.

Kaya sa bawat hakbang nila, buong puso tayong sumabay. Sa bawat laban, buong lakas tayong pumalakpak. At sa bawat sandali, iparamdam nating ang buong CTE ay kasama nila.

Kilalanin. Abangan. Ipagmalaki.

Dahil ang laban na ito ay hindi lamang para sa isang korona. Ito ay para sa wika, kultura, pagkatao, at pagiging Pilipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘‘

๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’Ž๐’‚๐’• & ๐‘ช๐’‚๐’‘๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’ƒ๐’š: Russel Combis



๐—ช๐—œ๐—ž๐—”-๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก: Baybayin o Alibata? Ano ba ang Tama?
24/08/2026

๐—ช๐—œ๐—ž๐—”-๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก: Baybayin o Alibata?

Ano ba ang Tama?



๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ?May makabuluhang kuwento sa likod ng pagdiriwang na ito. Alamin kung bakit tuwing ...
21/08/2026

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ?

May makabuluhang kuwento sa likod ng pagdiriwang na ito. Alamin kung bakit tuwing Agosto natin binibigyang-halaga ang ating wika at kung paano naging mahalagang bahagi ng buwang ito ang pagpapahalaga sa ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Tuklasin ang kuwento sa likod ng Buwan ng Wika at ipagdiwang ang wikang nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa ating mga puso at pagkatao! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


โ€Ž๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข ๐——๐—”๐—ฌ ๐ŸŽ—๏ธโ€Ž๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฏ ๐—ก๐—” ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ฅ NI SEN. BENIGNO โ€œNINOYโ€ AQUINO, JR.โ€Žโ€ŽSi Senador B...
21/08/2026

โ€Ž๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข ๐——๐—”๐—ฌ ๐ŸŽ—๏ธ

โ€Ž๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฐ๐Ÿฏ ๐—ก๐—” ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ฅ NI SEN. BENIGNO โ€œNINOYโ€ AQUINO, JR.
โ€Ž
โ€ŽSi Senador Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. ay isa sa mga kilalang personalidad sa kasaysayan ng ating bansa at naging matapang na kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. Nang ideklara ang Batas Militar noong Setyembre 1972, kabilang siya sa mga unang lider ng oposisyon na inaresto. Sa loob ng ilang taon ng pagkakakulong, patuloy siyang nanindigan at ipinaglaban ang katarungan sa kabila ng mga paratang laban sa kanya na mariin niyang itinanggi.
โ€Ž
โ€ŽNoong 1975, nagsagawa siya ng 40-araw na hunger strike bilang protesta sa paglilitis ng korte militar. Noong 1980, nakaranas siya ng atake sa puso habang nakakulong at kalaunan ay pinayagang magtungo sa ibang bansa para sa pagpapagamot. Nanatili siya sa Estados Unidos hanggang sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1983, sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay.
โ€Ž
โ€ŽNoong Agosto 21, 1983, pinaslang si Ninoy Aquino pagdating niya sa nooโ€™y Manila International Airport. Ang kanyang pagkamatay ay naging mahalagang punto sa lumalakas na panawagan para sa pagbabago at demokrasya. Dumagsa ang mga Pilipino sa kanyang libing, at ang malawakang pagkilos na ito ay naging bahagi ng mga pangyayaring humantong sa People Power Revolution noong 1986.
โ€Ž
โ€ŽSa bisa ng Republic Act No. 9256, ipinahayag ang Agosto 21 bilang Araw ni Ninoy Aquino, isang espesyal na araw na walang pasok sa trabaho bilang pagkilala sa kanyang buhay at sakripisyo para sa bayan.
โ€Ž
โ€ŽSa araw na ito, alalahanin natin ang kanyang tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay upang patuloy nating pahalagahan ang kalayaan, katarungan, at demokrasya.
โ€Ž
โ€ŽAlalahanin ang sakripisyo. Pahalagahan ang kalayaan. Ipagpatuloy ang paninindigan para sa bayan.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Address

Poblacion Sur, Sta. Maria
Ilocos Sur
2705

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAMDAFil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share