20/09/2024
Paghahanda sa Ika-64 Anibersaryo ng San Lorenzo Integrated School
Inaasahang magiging makulay at masaya ang nalalapit na ika-64 Founding Anniversary ng San Lorenzo Integrated School na gaganapin sa Setyembre 27-28, 2024. Ang temang TIMPUYOG: "Togetherness in Inspiring Milestones, Promoting Unity, Yielding Outstanding Growth" ay magsisilbing gabay sa serye ng mga aktibidad na magpapakita ng pagkakaisa at pag-asa ng paaralan para sa mas maunlad na bukas.
Inaanyayahan ang lahat ng magulang, mga mag-aaral, opisyal ng barangay, alumni, g**o, at iba pang mga tagasuporta ng paaralan upang makibahagi sa okasyong ito. Ang mga programa at aktibidad ay nakaplanong magbigay ng saya at aliw, hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga magulang at mga kasapi ng komunidad.
Ang School Parent-Teacher Association (SPTA), sa pamumuno ni Gng. Cristina C. Aroc, SPTA President, ang mangunguna sa paghahanda at pagsasakatuparan ng mga aktibidad para sa makasaysayang selebrasyon na ito.
Narito ang ilan sa mga inaabangang aktibidad:
Engaging Classroom-Based Activities- Para mas malinang ang kakayahan at talento ng mga mag-aaral, maraming mga aktibidades ang sa kanila ay naghihintay katulad ng slogan making, poster making, quiz bee, at iba pa.
Color Fun Run/Walk – Makulay na takbuhan at lakaran na magpapasaya sa lahat ng kalahok.
Simultaneous Tree Planting Activity – Isang gawain na naglalayong mapanatili ang kalikasan at magtanim ng bagong pag-asa para sa hinaharap.
Zumba Bida – Isang energizing na Zumba para sa mga magulang, opisyal ng barangay, at mga miyembro ng School Governing Council (SGC).
Mini Me (Parents and Learners Dance Contest) – Sayawan ng magulang at mag-aaral na siguradong maghahatid ng saya sa lahat.
Laro ng Lahi – Mga tradisyunal na larong Pinoy upang sariwain ang mga laro ng ating mga ninuno.
Family Day – Pagkakataon para magtipon-tipon ang mga pamilya at ipagdiwang ang mga ugnayan.
Ethnic Dance Competition – Isang makulay na presentasyon ng iba't ibang etniko sa pamamagitan ng sayaw.
Hymn Chorale Competition – Makabuluhang patimpalak sa pagkanta ng mga koral.
Retro Dance Contest – Sayawang may temang retro na babalik-tanaw sa mga sayaw ng nakaraan.
Interactive at Engaging Games – Masasayang laro para sa mga magulang at kasapi ng komunidad na may mga nakahandang papremyo.
Pre-loved Items Drive- Magbibigay sa mga magulang, supot all you can na mga damit mula sa mga g**o at sponsors!!
Ang mga nakalatag na aktibidad ay inaasahang magpapatatag ng ugnayan ng bawat isa sa San Lorenzo Integrated School at ng komunidad nito.
Huwag kalimutang i-save ang petsa, Setyembre 27-28, 2024, at samahan kami sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito!