12/06/2026
𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟐𝟖 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 | 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ngayong araw, buong puso nating ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating minamahal na bansang Pilipinas.
Ang araw na ito ay paalala ng kabayanihan, katapangan, at sakripisyo ng ating mga ninuno na nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan na ating tinatamasa sa kasalukuyan.
Sa pagdiriwang na ito, nawa'y patuloy nating pahalagahan ang ating kasarinlan sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan, pagtataguyod ng pagkakaisa, at pakikibahagi sa pag-unlad ng ating komunidad at ng buong bansa.