13/05/2026
[Opinion] Melodrama sa umaga, sa gabi namaโy barilan; Pilipinas, mahal ka pa ba nila?
Galit at pagod na ang sambayanan sa mga nangyayari ngayon. Tila ginawang entablado ng ilang pulitiko ang pamahalaan, kasabay ng sunod-sunod na eksena at bangayang bumabalot sa bansa nitong mga nakaraang araw.
Ang mga Duterte na lamang ba ang sentro ng usapan sa Senado? Hindi na ba ang tunay na kalagayan ng mamamayan at ng bayan?
Mahirap isipin na sa dami ng krisis na kinahaharap ng bansaโkahirapan, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang suplay ng gasolina, kawalan ng trabaho, at karahasanโmas nangingibabaw pa rin ang politika ng pansariling interes kaysa tunay na serbisyo publiko.
Habang abala ang ilan sa pagpapalitan ng maaanghang na salita at pagpapakita ng interes upang makamit ang mas mataas na kapangyarihan, patuloy namang naghihintay ang taumbayan ng konkretong aksyon at pananagutan sa mga nangyayari sa ating bansa.
Para pa ba sa Pilipinas ang ginagawa ng mga politikong nakaupo ngayon, o para na lamang sa kanilang sariling kasiyahan at interes?
At para sa mga nagluklok sa mga taong ito sa Senado, matututo na ba tayo sa mga nangyayari ngayon, o patuloy pa rin tayong magbubulag-bulagan upang sambahin ang mga politikong nais lamang nating paniwalaan?
Hindi tayo dapat manahimik. Bagkus, dapat tayong manindigan at lumabanโhindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa minamahal nating bansang Pilipinas.