21/08/2025
๐๐ง๐ข๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฅ๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จ, ๐ข๐ง๐ข๐ฐ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐๐ฌ๐ญ๐, ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐, ๐๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จโ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ๐จ. ๐๏ธ
Ilaan natin ang araw na ito upang bigyang-pugay si Benigno "Ninoy" Aquino Jr.โang dating senador na buong tapang na sumalungat sa diktaturyang Marcos at naglantad ng katiwalian at pagmamalabis ng kapangyarihan sa pamahalaan. Ang kaniyang kamatayan noong Agosto 21, 1983 ang nagbigay-daan sa EDSA People Power Revolution noong 1986โisang protestang nagbukas ng panibagong yugto ng kamulatan, pagkakaisa, at pagbabalik ng demokrasyaโt kalayaan sa bansa.
Alinsunod sa Batas Republika Blg. 9256, tuwing ika-21 ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Araw ni Ninoy Aquino, isang special non-working holiday bilang pagkilala sa kaniyang kontribusyon at sakripisyo.
๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ฆ๐จ ๐๐? Isang mamamahayag si Ninoy bago pa man siya naging pulitiko. Tinapos niya ang kaniyang sekondaryang edukasyon sa San Beda at nagpatuloy sa pag-aaral ng abogasya sa University of the Philippines - Diliman. Hindi niya ito natapos dahil pinili niyang pasukin ang larangan ng pamamahayag.
Sa edad na 17, siya ay nagsilbing war correspondent na nag-ulat tungkol sa Korean War para sa The Manila Times sa ilalim ng pamumuno ni Don Joaquรญn "Chino" Roces. Dahil sa kaniyang husay, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor Award mula kay Pangulong Elpidio Quirino sa edad na 18.
Higit pa rito, pinatunayan ni Ninoy ang kanyang kahusayan at dedikasyon sa pagiging paglilingkod-bayan: nahalal siyang Alkalde ng Concepcion, Tarlac sa edad na 22; ginawaran ng Ramon Magsaysay Award for Public Service sa edad na 23, naging Gobernador ng Tarlac sa edad na 29, at nahalal bilang Senador sa edad na 35.
Binalikan ang pinangangalagaang bayan sa kabila ng nagbabadyang kamatayanโhuwag nating sayangin ang sakripisyo, muli, sama-sama nating itaas ang dilaw na laso. Ating ipakita na karapat-dapat tayong pag-alayan ng buhay bilang mga Pilipino.
__________
๐๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐, ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐.
๐๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ข: Samantha Broso
๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐ง๐ข: Joan Salvador