30/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก: ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ถ๐?
Hindi na ito ang Central Luzon na kinagisnan natin. Ang mga kalsada at bukirin na dating natutuyo agad, ngayon ay permanenteng nagiging dagat na tuwing umuulan. Huwag na nating linlangin ang ating mga sarili: ang malawakang pagbaha ngayon ay hindi na lang dahil sa sama ng panahon. Ito ay resulta ng walang pusong pagsira sa ating kalikasan, mga palpak at substandard na infrastructure projects, at lantarang kapabayaan ng mga nasa kapangyarihan.
Galit at inip na ang taumbayan. Ilang bahay pa ang kailangang malubog? Ilang kabuhayan pa ang kailangang masira bago magkaroon ng totoong solusyon?
๐๐๐๐ฑ๐ฎ? ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ '๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐. Ang relief goods ay pansamantalang pantawid-gutom lamang, hindi ito solusyon sa lumalalang problema. Huwag ninyong gamiting pantakip-butas ang relief operations sa mga palpak ninyong proyekto.
๐ง๐ถ๐ด๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ "๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐".Ang katagang ๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ญ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ต ay ginagawang dahilan upang sanayin ang mamamayan sa pagdurusa at takpan ang kawalan ng pananagutan ng gobyerno. Hindi natin kailangang maging sanay sa paghihirap; kailangan natin ng maayos at tapat na pamamahala.
๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐๐น๐ฎ๐. ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ง๐๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ.
Ang pananahimik ay pagpabor sa mga taong patuloy na sumisira sa ating kapaligiran at nagwawaldas sa pondo ng bayan.
Manindigan tayo para sa ating mga komunidad, ipaglaban ang ating kalikasan, at singilin ang mga may pananagutan.