DepEd RXII Pao Pao Elementary School

Call Directions Website

DepEd RXII Pao Pao Elementary School 2022 DepEd Dose sa Ere Most Active School page Awardee ๐Ÿ†

Congratulations, Batang Paopaoeรฑos!Pao Pao Elementary School proudly celebrates our young athletesโ€™ outstanding achievem...
19/10/2026

Congratulations, Batang Paopaoeรฑos!

Pao Pao Elementary School proudly celebrates our young athletesโ€™ outstanding achievements during the District Meet 2026! Congratulations to all winners and GSCAA qualifiers with their Coach Liezel May Pinongpong Arcos. Your hard work, determination, and sportsmanship make our school proud!

Padayon, Batang Paopaoeรฑos!

GSCAA Qualifiers
Boys
1. Cusan, Ley Mar
2. Salon, Welmar

Girls
1. Guinang, Joylyn Marie
2. Solis, Shadine
3. Arcos, Queenzylle Novain
_______________________________

Long jump
Boys: 2nd place - Cusan, Ley Mar

400 m
Boys: 1st place - Cusan, Ley Mar
Girls: 1st place- Solis, Shadine
2nd place- Pandato, Hen Rose

100m
Boys : 3rd place- Miguel, Jonneve
Girls: 1st place- Guinang, Joylyn Marie

1500 m
Boys: 2nd place - Guinang, Warren Jr.
Girls: 1st place - Arcos, Queenzylle Novain
3rd place - De Asis, Rhizel Jane

Javelin throw
Boys - 3rd place - Salon, Welmar

Long Jump
Boys: 2nd place - Cusan, Ley Mar

200m
Boys: 3rd place - Antonino, Jhon Anthony
Girls: 2nd place - Guinang, Joylyn Marie

800m
Boys: 2nd place - Antonino, Jhon Anthony
Girls: 2nd place - Arcos, Queenzylle Novain

Discus throw
Boys: 2nd place - Sugan, Lloyd Anthony

Triple Jump
Boys: 2nd - Salon, Welmar
3rd - Candalia, Mark Jhan
Girls: 2nd place - Guinang, Joylyn

4 x 100 m Relays
Boys: 3rd place
Girls: 3rd place

100/110m hurdles
Boys: 1st- Salon, Welmar
2nd - Candalia, Mark Jhan
Girls - 3rd - Solis, Shadine


PAO PAO ELEMENTARY SCHOOL CELEBRATES GLOBAL HANDWASHING DAY! Pao Pao Elementary School joins the celebration of Global H...
15/10/2026

PAO PAO ELEMENTARY SCHOOL CELEBRATES GLOBAL HANDWASHING DAY!

Pao Pao Elementary School joins the celebration of Global Handwashing Day by integrating the importance of proper handwashing into different learning areas and conducting actual handwashing activities across all classes.

Through classroom discussions, demonstrations, and hands-on practice, our learners are reminded that proper handwashing with soap and clean water is a simple yet powerful way to prevent diseases, maintain personal hygiene, and promote a healthy school environment.

Together, let us make handwashing a daily habit and build a healthier, safer, and more child-friendly school community!







UNANG ARAW | PAGLULUNSAD NG SCHOOL SAFETY WEEKPao Pao Elementary SchoolBuong pagmamalaking nakikiisa ang Pao Pao Element...
12/10/2026

UNANG ARAW | PAGLULUNSAD NG SCHOOL SAFETY WEEK
Pao Pao Elementary School

Buong pagmamalaking nakikiisa ang Pao Pao Elementary School sa sabayang Pambansang Flag Ceremony at pormal na paglulunsad ng School Safety Week, na may layuning mapanatili ang isang ligtas, inklusibo, at makabatang paaralan para sa bawat mag-aaral.

Bilang bahagi ng gawain, isinagawa ang Panunumpa ng Pangako (Pledge of Commitment) na nilahukan ng ating mga mag-aaral, mga g**o, mga kawani ng paaralan, at mga magulang. Muli nilang pinagtibay ang kanilang sama-samang pananagutan na pangalagaan, protektahan, at unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat bata.

Nagkaroon din ng maikling oryentasyon tungkol sa School Safety Week upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas at makabatang paaralan. Binigyang-diin na ang kaligtasan ay hindi lamang ipinagdiriwang sa loob ng isang linggo, kundi isang tuloy-tuloy na pananagutan ng buong komunidad ng paaralan.

Kaakibat nito, isasama ng ating mga g**o sa mga aralin sa Homeroom Guidance Program (HGP), Good Manners and Right Conduct (GMRC), at Values Education (VE) ang mga paksang angkop sa edad ng mga mag-aaral, kabilang ang:

โœ… Mga karapatan ng mag-aaral at pag-iwas sa bullying, karahasan, pang-aabuso, at diskriminasyong batay sa kasarian;

โœ… Responsableng paggamit ng digital technology at kaligtasan sa internet;

โœ… Kahandaan sa sakuna, kaligtasan laban sa sunog, kalusugan, at wastong kalinisan;

โœ… Mga mekanismo sa pag-uulat at pagsangguni ng mga suliranin sa paaralan, kabilang ang Child Protection Committee (CPC) at Learner Formation Officer; at

โœ… Kaalaman sa mga emergency hotline gaya ng 911, 1383 (MAKABATA Helpline), 1553 (NCMH Crisis Hotline), at (02) 8632-1372 (Learnersโ€™ Telesafe Contact Center Helpline).

Pinangunahan ang aktibidad ng ating School Head, Sir Reagan J. Rivera, kasama si Gng. Excel Chavez, Pangulo ng SPTA, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang mapanatili ang isang ligtas, mapagkalinga, at makabatang paaralan.

Bilang iisang komunidad ng paaralan, sama-sama nating isabuhay ang kaligtasan, paggalang, malasakit, at pananagutan. Sapagkat ang isang ligtas na paaralan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin!




PUBLIC ADVISORYBALIK-ESKWELA NA PO BUKAS!Ipinababatid po natin sa lahat na magpapatuloy na ang klase bukas, Oktubre 12, ...
11/10/2026

PUBLIC ADVISORY

BALIK-ESKWELA NA PO BUKAS!

Ipinababatid po natin sa lahat na magpapatuloy na ang klase bukas, Oktubre 12, 2026 (Lunes), sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa General Santos City.

Matapos ang isinagawang pagsusuri at safety assessment ng ating mga City Building Evaluators sa mga gusali at silid-aralan, walang nakitang problema sa mga nasuring pasilidad na makahahadlang sa muling pagbubukas ng klase.

Gayunpaman, patuloy po nating unahin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya, lalo na kung may maramdamang aftershock.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na pagtutulungan. Sama-sama nating tiyakin ang ligtas na pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa

๐๐€๐Ž ๐๐€๐Ž ๐„๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‘๐˜ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐„๐‘ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐“๐„๐’ ๐ˆ๐ ๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐‡๐ˆ๐’๐“๐Ž๐๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”October 10, 2026 | Ipinagmamalaki ng Pao Pao Ele...
10/10/2026

๐๐€๐Ž ๐๐€๐Ž ๐„๐‹๐„๐Œ๐„๐๐“๐€๐‘๐˜ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐„๐‘ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐“๐„๐’ ๐ˆ๐ ๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐‡๐ˆ๐’๐“๐Ž๐๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

October 10, 2026 | Ipinagmamalaki ng Pao Pao Elementary School ang pakikilahok ni Jhon Anthony Antonino, kasama ang kaniyang coach na si Maโ€™am Lenie Basa, sa Division HISTOPOP 2026 na ginanap ngayong araw, October 10, 2026, sa Dadiangas South Central Elementary School, General Santos City.

Isinagawa ng Schools Division of General Santos City ang kompetisyon bilang bahagi ng pagsusulong ng kahusayan ng mga mag-aaral at pagbibigay ng makabuluhang pagkakataon upang maipamalas ang kanilang kaalaman, kasanayan, talento, at tiwala sa sarili.

Layunin ng HISTOPOP 2026 na palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, populasyon at kaunlaran, at mga napapanahong isyu, gayundin ang malinang ang kanilang mapanuring pag-iisip at kakayahang makilahok sa mga makabuluhang kompetisyon.

Congratulations, Jhon Anthony Antonino! Maraming salamat kay Maโ€™am Lenie Basa sa paggabay, paghahanda, at suporta sa ating kalahok.

Ang inyong pakikilahok ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pao Pao Elementary School na linangin ang kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral tungo sa makabuluhang pagkatuto at kahusayan.

Mabuhay ang Batang Pao Pao!

Nagkaloob ang LGU-General Santos ng karagdagang materyales sa ilalim ng inisyatiba ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, s...
09/10/2026

Nagkaloob ang LGU-General Santos ng karagdagang materyales sa ilalim ng inisyatiba ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, sa pakikipagtulungan ng City Engineerโ€™s Office, upang makatulong sa mga school project ng dalawang paaralan.

Gagamitin ang mga materyales para sa school fencing ng Pao Pao Elementary School sa Barangay Sinawal at construction of school hallway ng Lagao National High School.

Nagpaabot ng pasasalamat sina Lagao National High School Principal Dr. Rosalind Diaz at Pao Pao Elementary School Head Sir Reagan Rivera sa karagdagang materyales na ipinagkaloob sa kanilang mga paaralan.

Photos:
Maxene Bagatao

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Š๐š๐ซ๐š๐ ๐๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐’๐š๐ค๐จ ๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐๐š๐จ ๐๐š๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š...
09/10/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Š๐š๐ซ๐š๐ ๐๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐’๐š๐ค๐จ ๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐๐š๐จ ๐๐š๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐›๐š๐ค๐จ๐!

Patuloy ang pag-usad ng proyektong pagpapabakod ng Pao Pao Elementary School sa pagtanggap ng karagdagang 25 sako ng semento mula sa City Mayorโ€™s Office sa pangunguna ni Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao. Ang mga materyales na ito ay magsisilbing karagdagang suporta upang maipagpatuloy ang konstruksyon ng bakod ng paaralan.

Ang tulong na ito ay mahalagang hakbang sa pagsasakatuparan ng layuning magkaroon ng mas ligtas, maayos, at protektadong kapaligiran para sa mga mag-aaral. Sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang lokal at ng komunidad ng paaralan, unti-unting nagiging katuparan ang pangarap na masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng bawat batang Pao Pao.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Pao Pao Elementary School, sa pangunguna ni Sir Reagan Rivera, Punongg**o, kay Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao at sa City Mayorโ€™s Office sa patuloy na malasakit at suporta sa mga pangangailangan ng paaralan. Lubos ding kinikilala ang mga taong patuloy na tumutulong at nagsusulong upang maisakatuparan ang proyektong ito.

B**G SALAMAT, MAYOR LGP! Sa bawat sako ng semento, mas tumitibay ang pundasyon ng isang ligtas na paaralan at mas maayos na kinabukasan para sa mga mag-aaral ng Pao Pao Elementary School.

 PUBLIC ADVISORY Effective October 8, 2026, work in all government offices in General Santos City is suspended to allow ...
08/10/2026



PUBLIC ADVISORY

Effective October 8, 2026, work in all government offices in General Santos City is suspended to allow structural inspections and safety assessments following the earthquake.

Classes at all levels in public and private schools are likewise suspended until further notice.

The public is advised to remain calm, stay alert for aftershocks, and follow official advisories.

Memo to follow.
(Credits: LGU GenSan)

Today, the DepEd GenSan family joyfully celebrates the life of a visionary leader whose passion, wisdom, and dedication ...
06/10/2026

Today, the DepEd GenSan family joyfully celebrates the life of a visionary leader whose passion, wisdom, and dedication continue to inspire transformation, innovation, and unity in our organization. ๐ŸŽ‰

Happy Birthday, Sir Gani! You are more than a dynamic force in educationโ€”you are a rare and remarkable soul whose leadership inspires, whose presence uplifts, and whose genuine concern for people makes a lasting difference.

May your special day be filled with joy, gratitude, good health, and countless blessings. Thank you for the gift of your leadership, your wisdom, and your unwavering commitment to service for every g**o and batang Heneral. May God continue to guide you and bless you abundantly as you lead with purpose, compassion, and heart. ๐Ÿ™๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

God bless you always, Sir Gani! Your DepEd GenSan family is grateful for you. โค๏ธ



Address

Sitio Pao Pao, Sinawal
General Santos City
09500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639456300995

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Pao Pao Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share