28/03/2026
๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐ฉ๐จโ๐ญ ๐๐ฉ๐๐ญ, ๐ ๐๐ฐ๐๐ ๐๐ฒ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐จ๐ซ๐๐ฌ.
Nasaksihan niya ang pag-usbong at pagkawala, ang pagtubo at pagtupok, ang paglago at pagkalagas, ang pagsisimula at pagbabago.
Siya ang saksi sa lahat. Nakita niya kung paano maging masikap ang tao na tuklasin ang ibaโt ibang bagay.
Nakita niya kung paanong ang simpleng inosenteng pagpupursige ay unti-unting magkaroon ng motibo.
Siya ang kinatitirikan ng lahat ng establisyamentong ginawa ng tao
Sa kanya nakatusok ang mga punoโt halaman na pinagmumulan ng mga pangunahing pangangailangan
Siya ang sumasalo sa bawat yapak, talon at alon ng mga tao, hayop at sangkatubigan.
Siya ang ating ๐๐ฎ๐ง๐๐จ.
Kagaya ng isang ina na patuloy na nagtataguyod sa kanyang mga anak sa kabila ng kahit na anong pagsubok.
Ang mundo ay isa ring ina na ang tanging hangad ay mapabuti ang lahat ng kanyang niyayakap na anak.
Handa niyang tiisin lahat ng pasakit na ibinabalik nating mga tao sa kanyang teritoryo,
Hindi siya gumaganti kahit pa patuloy nating niyuyurakan ang mga mga bagay na libre niyang ibinibigay
Nananatili siyang maalaga sa kabila ng pagkutya at pagdumi natin sa kanya.
Hindi siya nanghihingi ng kapalit kahit pa siya ay patuloy nating inaabandona dahil sa pagpili natin sa mga bagay na alam nating nag iiwan ng sugat sa kanya.
Subalit kagaya ng isang maunawaing ina, siya ay nanghihina rin.
At tulad ng isang ina,
Ito ay nangangailangan rin ng pahingaโ isang oras para huminga at ipayapa ang sarili sa kabila ng paligid na puro ingay ang dala.
Isang oras para magmuni-muni, damahin na sa kabila ng mga kaguluhan at mga problema, may kabutihan parin.
Kaya ngayong gabi,
Bilang pagpapahalaga at pagdamay sa inang nangangailangan rin ng kalinga,
Sama-sama nating patayin ang ilaw, magsindi ng kandila, ipikit ang mata at ibulong sa hangin ang pangakong pangangalaga sa kanya.
Sa loob ng isang oras, makipagusap tayo sa mundo, iparamdam natin na narito tayo hindi bilang dagdag ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.
Nasaan ka man ngayon ay hindi mahalaga, ang importe ay kasama kang tatayo upang hipoan ng gamot ang ating inang mundo na puno na ng sugat at paso.
Ang pagtindig mo ay isang tanglawโ simula ng pagbabagoโ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ค๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐๐ข๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ.