31/05/2026
Ngayong National Fisherfolkโs Day, kaisa ang Boy Scouts of the Philippines sa taos-pusong pagbibigay-pugay sa ating mga mangingisdang Pilipino na patuloy na nagsisilbi sa bayan sa kabila ng mga hamon at panganib na kaakibat ng kanilang hanapbuhay.
Bago pa man sumikat ang araw, sila ay nasa dagat naโhumaharap sa malalakas na alon, pabago-bagong panahon, at kawalang-katiyakan sa kanilang huli, upang matiyak na may pagkain sa hapag ng milyun-milyong Pilipino. Sa gitna ng hirap at panganib, nananatili silang masisipag, matatag, at tapat sa tungkuling iniatang sa kanila para sa kanilang pamilya, komunidad, at bansa.
Nawaโy patuloy nating maipadama ang ating pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pamamagitan ng mas malalim na pag-unawa at suporta lalo na sa mga inisyatibang makatutulong upang mas mapalakas ang kanilang kabuhayan, mas mapabuti ang kanilang kalagayan, at mas mapanatiling ligtas ang kanilang araw-araw na paglalakbay sa dagat.