LILA: Ligtas na Impormasyon Laban sa Abuso

LILA: Ligtas na Impormasyon Laban sa Abuso LILA β€” Para sa mga batang kababaihan, nagdadala ng ligtas na impormasyon laban sa abuso. πŸ’œπŸ‘§

Malaking papel ang ginagampanan ng mga organisasyon sa protekston at kaligtasan ng mga bata. Ano ang mga hakbang para ma...
14/03/2026

Malaking papel ang ginagampanan ng mga organisasyon sa protekston at kaligtasan ng mga bata. Ano ang mga hakbang para mabigyan sila ng proteksyon at tulong na kanilang kinakailangan?

Kung may kwento o karanasan kayong nais ibahagi, maaari niyo itong ilahad sa pamamagitan ng pagcomment.

Andito si LILA upang makinig at magpapaalala na mahalaga ang iyong boses. πŸ’œπŸ‘§


Noong Marso 11, 2026, ang LILA, kasama ang Integrated Gender and Development Division (IGDD) at Talikala, Inc., ay nagsa...
12/03/2026

Noong Marso 11, 2026, ang LILA, kasama ang Integrated Gender and Development Division (IGDD) at Talikala, Inc., ay nagsagawa ng kanilang pangwakas na aktibidad sa Brgy. 23-C Mini Forest Darussalam Office.

Nag-organisa ang LILA ng isang community-based program para sa mga batang babae ng Brgy. 23-C. Kasama sa sesyon ang 'Pagsabot sa lain-laing kaluwasan, mga utlanan, ug kadaot' na pinangunahan ni Maria Almazan, RSW ng Talikala, Inc., at 'Unsa ang mahitabo sa atong feelings ug utok kung kita nasakitan' ni Dr. Marie Bueno, RPsy, na ginabayan ang mga batang babae sa pagpapangalaga sa kanilang kaligtasan at kung paano nila maproseso ang kanilang damdamin sa isang suportadong kapaligiran.

Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng paglikha ng bawat isa sa kanilang β€˜Help Map,' kung saan inilalarawan nila ang mga suportang maari nilang malapitan, kasunod ang pamamahagi ng mga komiks, educational manual, at in-kind donations. πŸ‘§πŸ’œ


Karapatan ng isang bata ang maging ligtas at komportable sa kanilang paligid, lalo’t lalo na sa kanilang mga kasama. Kap...
07/03/2026

Karapatan ng isang bata ang maging ligtas at komportable sa kanilang paligid, lalo’t lalo na sa kanilang mga kasama. Kapag sila ay nasa gitna ng panganib, sino ang makakatulong sa kanila na magsalita at magtiwala?

Kung may kwento o karanasan kayong nais ibahagi, maaari niyo itong ilahad sa pamamagitan ng pagcomment.

Andito si LILA upang makinig at magpapaalala na mahalaga ang iyong boses. πŸ’œπŸ‘§


Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng proteksyon at suporta, makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare ...
06/03/2026

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng proteksyon at suporta, makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development - Region XI.

Ang DWSD ay nagbibigay ng proteksyon at serbisyong panlipunan para sa mga bata, kababaihan, at pamilyang nasa panganib sa Davao City.

Samahan natin si LILA at alamin kung paano ka maprotektahan at matutulungan ng DSWD. πŸ’œπŸ‘§

Alam mo bang may mga libreng suporta at serbisyo dito sa Davao City? Ang Talikala, Inc. ay isa sa mga organisasyon dito ...
04/03/2026

Alam mo bang may mga libreng suporta at serbisyo dito sa Davao City?

Ang Talikala, Inc. ay isa sa mga organisasyon dito sa Davao City na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga kababaihan at batang babae na maaaring nakaranas ng pang-aabuso o nangangailangan ng suporta.

Samahan natin si LILA at mas kilalanin kung ano ang Talikala, Inc. at ang mga serbisyong ibinibigay nila. πŸ’œπŸ‘§

Ang support services ay mga serbisyong tumutulong sa mga biktima sa kanilang pagbangon sa pamamagitan ng pagbibigay ng k...
02/03/2026

Ang support services ay mga serbisyong tumutulong sa mga biktima sa kanilang pagbangon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta at gabay.

Nagsisilbi itong ligtas na daluyan para sa mga kababaihan at batang babae upang humingi ng tulong at proteksyon mula sa mga awtoridad na maaaring umalalay at gumabay sa kanila sa kanilang pinagdaraanan. πŸ’œπŸ‘§


Sa mundong puno ng pagbibintang at kakulangan sa pag-unawa, bakit kaya mahalaga na agad maniwala sa mga bata kapag sila’...
28/02/2026

Sa mundong puno ng pagbibintang at kakulangan sa pag-unawa, bakit kaya mahalaga na agad maniwala sa mga bata kapag sila’y nagsasabi ng kanilang nararamdaman? Ano ang mga epekto sa kanila kapag hindi sila pinaniniwalaan?

Kung may kwento o karanasan kayong nais ibahagi, maaari niyo itong ilahad sa pamamagitan ng pagcomment.

Andito si LILA upang makinig at magpapaalala na mahalaga ang iyong boses. πŸ’œπŸ‘§


Ang paghahanap ng suporta mula sa mga propesyonal  ay makakatulong upang protektahan at pangalagaan ang mental health la...
27/02/2026

Ang paghahanap ng suporta mula sa mga propesyonal ay makakatulong upang protektahan at pangalagaan ang mental health laban sa gender-based violence.

Tumutulong ang Psychosocial Support sa pag-unawa at pagproseso ng mga matinding karanasan upang manatiling ligtas at matatag. πŸ’œπŸ‘§


Ang counseling ay nagsisilbing ligtas na espasyo kung saan maaari mong ibahagi at i-proseso ang iyong mga karanasan, sab...
25/02/2026

Ang counseling ay nagsisilbing ligtas na espasyo kung saan maaari mong ibahagi at i-proseso ang iyong mga karanasan, sabay sa gabay ng mga counselors at psychologists.

Nagsisilbi itong ligtas na espasyo kung saan matutuhan mong unawain at harapin ang mga mabibigat na nararanasan. Dito, pinahahalagahan ang iyong kwento at binibigyan ka ng suporta. πŸ’œπŸ‘§


Ang epekto ng Gender-Based Violence (GBV) ay hindi lamang sa pisikal, kundi nakakaapekto rin ito sa isipan at damdamin n...
24/02/2026

Ang epekto ng Gender-Based Violence (GBV) ay hindi lamang sa pisikal, kundi nakakaapekto rin ito sa isipan at damdamin ng mga batang babae.

Maaari itong magdulot ng matinding takot, kalituhan, at mabigat na damdamin. Ngunit maaari itong maagapan sa pamamagitan ng gabay mula sa ilang mga serbisyo tulad ng counseling at psychosocial support.

Samahan natin si LILA at alamin kung paano nakakaapekto ang GBV sa mga batang babae, at kung ano ang mga serbisyong maaring malapitan sa Davao City. πŸ’œπŸ‘§


Minsan, kahit nasa gitna ng panganib, mahirap pa rin sa isang bata ang pagsalita tungkol sa abuso. Ano sa tingin mo ang ...
21/02/2026

Minsan, kahit nasa gitna ng panganib, mahirap pa rin sa isang bata ang pagsalita tungkol sa abuso. Ano sa tingin mo ang mga humahadlang sa kanila pag humingi ng tulong?

Kung may kwento o karanasan kayong nais ibahagi, maaari nyo itong ilahad sa pamamagitan ng pagcomment.

Andito si LILA upang makinig at magpapaalala na mahalaga ang iyong boses. πŸ’œπŸ‘§


Alam mo ba kung paano pinoproseso ng ating utak ang mga matitinding karanasan?Kapag nakararanas tayo ng ganito, maaari i...
20/02/2026

Alam mo ba kung paano pinoproseso ng ating utak ang mga matitinding karanasan?

Kapag nakararanas tayo ng ganito, maaari itong nakakaapekto sa ating isip at damdamin, at ma-trigger ang ating β€œfight, flight, or freeze” response.

Samahan natin si LILA at alamin kung ano-ano itong mga posibleng reaksyon at kung paano tayo makakatulong nito. πŸ’œπŸ‘§


Address

Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LILA: Ligtas na Impormasyon Laban sa Abuso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share