19/10/2026
💚🎓 CDCCI GIVES BACK: SUPPORTING EDUCATION, BUILDING A BRIGHTER FUTURE!
Isa sa mga layunin ng CDCCI Business Expo 2026 ay hindi lamang ang suportahan ang mga lokal na negosyo, kundi ang makapagbigay rin ng tulong sa ating lungsod.
Kaya naman, sa ginanap na General Membership Meeting noong October 17, 2026, masaya nating naipagkaloob sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD) ang limang (5) 50-inch Smart TVs mula sa bahagi ng nalikom sa Business Expo 2026.
Simpleng paraan ito ng CDCCI upang makatulong sa pag-aaral ng ating mga kabataan. Umaasa kami na magagamit ang mga ito upang mas mapadali at mapaganda ang kanilang pagkatuto.
Sa pangunguna ng ating President George Albes, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, exhibitors, partners, at sa bawat isa na sumuporta sa ating Business Expo. Hindi po ito magiging posible kung wala ang inyong tulong.
Mas masarap ang tagumpay kapag may napapakinabangan din ang iba. ❤️
Mula sa CDCCI Family, maraming salamat po! Patuloy tayong magtulungan para sa mga negosyo, kabataan, at sa ating mahal na Lungsod ng Dasmariñas. 💚