Community Based Rehab OPHT 3-1

Community Based Rehab OPHT 3-1 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Community Based Rehab OPHT 3-1, Youth Organization, Dasmariñas.

A student-led organization of Physical Therapy students from Emilio Aguinaldo College–Cavite committed to promote health, mobility, and functional independence through community-based rehabilitation, outreach programs, and patient-centered care.

17/02/2026

Ouch! Malikot man ang paa, alagaan natin ito nang may lambing at malasakit. 🤍 Karaniwang sanhi nito ay maling pagtalon, pag-ikot ng paa, o aksidenteng pagdulas. Para sa mas maayos at ligtas na paggaling, sundin ang PEACE and LOVE principle:

🕊️ PEACE (Acute Phase – unang 1–3 araw)
P – Protect: Iwasan muna ang bigat at labis na galaw.
E – Elevate: Itaas ang paa para mabawasan ang pamamaga.
A – Avoid Anti-inflammatory: Iwas muna sa sobra-sobrang painkillers.
C – Compress: Balutan ng elastic bandage para makontrol ang swelling.
E – Educate: Alamin ang tamang pag-aalaga sa injury.



❤️ LOVE (Recovery Phase)
L – Load: Unti-unting ibalik ang galaw at bigat sa paa.
O – Optimism: Panatilihin ang positive mindset para sa mas mabilis na healing.
V – Vascularization: Magaan na ehersisyo para sa maayos na daloy ng dugo.
E – Exercise: Gawin ang tamang rehab exercises para sa full recovery.

Kung malala ang pananakit o pamamaga, huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor. Alagaan ang sarili — dahil deserve mo ang maayos at mapayapang paggaling. 🌿✨

💛

17/02/2026

"Sumasakit ba ang harap ng tuhod mo tuwing nag-eexercise, naglalakad sa hagdan, o matagal nakaupo? 🤔 Baka Patellofemoral Pain Syndrome (PFPS) 'yan! Madalas na sintomas ay aching pain sa kneecap area. Ang paggamot ay focus sa rest, pain management, at lalo na sa home exercise programs para palakasin ang quads at glutes, at i-improve ang movement mechanics. Learn how to manage it effectively and get back to pain-free movement!

17/02/2026

❄️ 𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗧? 𝗕𝗔𝗞𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗜𝗧𝗢 𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔 “𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗦” 𝗟𝗔𝗡𝗚 ❄️
Pero paano gagalaw ang balikat kung parang nakakandado at masakit kahit konting galaw lang? 🤔

Ang 𝘼𝙙𝙝𝙚𝙨𝙞𝙫𝙚 𝘾𝙖𝙥𝙨𝙪𝙡𝙞𝙩𝙞𝙨 o mas kilala bilang 𝙁𝙧𝙤𝙯𝙚𝙣 𝙎𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙𝙚𝙧 ay nangyayari kapag ang kapsula ng balikat ay namamaga, kumakapal, at naninigas, kaya unti-unting nawawala ang galaw at tumitindi ang sakit.

⚠️ Mas mataas ang risk kung ikaw ay may:
❄️ Edad (40 pataas) at Kasarian (Babae)
❄️ Diabetes o Thyroid Disorder
❄️ Dati nang may injury o matagal na hindi naigagalaw ng maayos ang balikat
❄️ Pananakit ng balikat na mas lumalala sa gabi
❄️ Hirap itaas, ma-ikot, o abutin ang braso

‼️Alamin ang mga sintomas, stages, at tamang ehersisyo upang maiwasan ang matagal na paninigas at sakit‼️

💡Good news! Kahit wala itong mabilisang lunas, may tamang ehersisyo, therapy, at management para mabawasan ang sakit at maibalik ang galaw ng balikat!

Mas maagang kaalaman = mas mabilis na recovery at maayos na galaw 💪✨

17/02/2026

🗣️Lagi bang masakit ang balikat at leeg mo? Baka Upper Crossed Syndrome na yan!🗣️

Kung madalas kang nakayuko sa cellphone o matagal na nakaupo sa harap ng computer, baka may Upper Crossed Syndrome ka na.

Sama-sama nating alamin ang:
✅ Sanhi ng pananakit ng iyong leeg at balikat.
✅ Paano ito nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na kilos.
✅ Mga epektibong stretches at exercises para itama ang iyong posture.

Huwag hayaang mauwi sa mas malalang komplikasyon ito. Watch this video and start your journey to a better posture! 🧘‍♂️✨

Address

Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Community Based Rehab OPHT 3-1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share