02/08/2026
"𝘚𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯, 𝘿𝙞𝙤𝙨 𝙆𝙖 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝘚𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴, 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙃𝙚𝙨𝙪𝙨, 𝘱𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝙆𝙖. 𝘋𝘢𝘬𝘪𝘭𝘢𝘪𝘯 𝙆𝙖 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘰, 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘼𝙢𝙖."
Maraming Kristyano ngayon ang nalilito sa lyrics ng kantang "Dios Ka Sa Amin" dahil kontra daw ito sa kanilang doktrina. Dahil hindi raw pwede tawaging Ama si Jesus dahil magkaiba sila.
Ngunit ano ba talaga ang sinasabi ng mga Kasulatan tungkol sa Ama at sa Anak? Si Jesus ba ay Anak lamang? Kung gayon, bakit Niya sinabing Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30)? At bakit tinawag Niyang anak Niya ang taong may sakit ng leprosy at pinatawad ang kanyang kasalanan na tanging Dios lang ang makakagawa? (Mateo 9:1-2).
Kaysa depensahan agad ang sariling doktrina at iwaksi ang napakagandang awit na ito, alamin muna natin ayon sa mga talata ng Biblia kung ano at sino ba talaga si Jesus ayon sa mismong patotoo ng Banal na Kasulatan at ayon mismo sa Kanyang mga pagpapahayag. Magkaroon sana tayo ng mapagpakumbabang puso habang binabasa natin ang post na ito. Tayo ay naniniwala na may dahilan ang Dios kung bakit pinahintulot Niya na maiparinig sa lahat ng mga Kristyanong denominasyon ang awiting ito upang makilala natin ang Panginoong Jesus higit sa sarili nating opinyon o paniniwala ukol sa Kanya.
Sa ating pagkatanto, ang mga Kristyanong nalilito sa lyrics ng awiting ito ay walang pinagkaiba kay Felipe sa Juan 14:8 na kung saan hinahanap nya ang Ama hiwalay kay Jesus. Take note, kasama na ni Felipe ang Panginoong Jesus, pero hinahanap parin niya ang Ama hiwalay kay Cristo, palibhasa noong panahong yaon sarado pa ang kanyang pag-iisip, dahil hindi pa binubuksan ni Jesus ang kanilang mga pagiisip katulad ng maraming Kristyano ngayon. Kaya naman si Jesus na mismo ang nagsalita:
"𝙎𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙞 𝙅𝙀𝙎𝙐𝙎, 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙆𝙊'𝙔 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖, 𝙖𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝘼𝙆𝙊 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖, 𝙁𝙚𝙡𝙞𝙥𝙚? 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝘼𝙆𝙄𝙉 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝘼𝙈𝘼; 𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙢𝙤, 𝙄𝙥𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙢𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙈𝘼? 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙖 𝘼𝙆𝙊'𝙔 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝘼𝙈𝘼, 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙈𝘼 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙨𝙖 𝘼𝙆𝙄𝙉? 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙆𝙄𝙉𝙂 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤'𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙆𝙊 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝘼𝙆𝙄𝙉𝙂 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞: 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙈𝘼 𝙣𝙖 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘼𝙆𝙄𝙉 𝙖𝙮 𝙜𝙪𝙢𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙆𝘼𝙉𝙄𝙔𝘼𝙉𝙂 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙖𝙬𝙖" (Juan 14:9-10).
Pagkatapos ng Resurrection ni Jesus, sabi ng Lucas 24:45, binuksan Niya ang pagkaunawa ng mga apostol at mga disipulo. Kaya naman noong bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu noong araw ng Pentecostes (Gawa 2:1-4), mismong si Apostol Pedro ang nagsabi na "𝙈𝙖𝙣𝙜𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙤, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙖𝙜𝙗𝙖𝙪𝙩𝙞𝙨𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙇𝘼𝙉 𝙣𝙞 𝙅𝙀𝙎𝙐𝘾𝙍𝙄𝙎𝙏𝙊 𝙨𝙖 𝙞𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙤𝙤𝙗 𝙣𝙜 𝙀𝙨𝙥𝙞𝙧𝙞𝙩𝙪 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤" (Gawa 2:38). Naintindihan na kasi ni Pedro na ang nag-iisa o singular Name ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ay ang pangalan mismo ng Panginoong Jesucristo (Mateo 28:19; Gawa 4:12).
At mismong si Felipe noong siya ay nangangaral sa Samaria, sabi ng Biblia ay ipinangaral niya ang tungkol sa Pangalan ni Hesus, at ang resulta nito, ang mga tao ay nagsipagpabautismo lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus:
"𝘋𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘸𝘢'𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘍𝘦𝘭𝘪𝘱𝘦 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙞 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙘𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤, 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘣𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘦'𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦. . . 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢'𝘵 𝘪𝘵𝘰'𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢: 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢'𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘣𝘢𝘶𝘵𝘪𝘴𝘮𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨." (Gawa 8:12,16).
Naintindihan na ni Felipe ang pagiging iisa ng Ama at ni Jesus, na dati ay litong-lito siya. Sana itong mga Kristyanong litong-lito sa kung si Jesus ba ay Anak lang o Siya rin ang Ama base sa lyrics ng kanta na kanilang nabasa at napakinggan ay mabuksan din ang kanilang mga pang unawa.
Sa Apocalipsis 1:8 at 17-18, ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi na Siya ang Alpha at Omega, ang Una at ang Huli, na namatay sa krus ng kalbaryo para sa ating mga kasalanan. Ang mga katagang "ang Una at ang Huli" ay titulo ng nag iisang Dios ni Abraham, Isaac, at Jacob (Marcos 12:27-29) na Siya mismo ang nagpapatotoo na Siya ang Una at ang Huli, at wala nang Dios liban sa Kanya:
Isaias 41:4 - "𝘚𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘵 𝘺𝘶𝘮𝘢𝘳𝘪, 𝘯𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪'𝘵 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢? 𝘈𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪, 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢."
Isaias 44:6 - "𝘎𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭, 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘯𝘶𝘯𝘶𝘣𝘰𝘴, 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘶𝘬𝘣𝘰, 𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢, 𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪; 𝘢𝘵 𝘭𝘪𝘣𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴."
Isaias 48:12 - "𝘐𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰, 𝘖𝘩 𝘑𝘢𝘤𝘰𝘣, 𝘢𝘵 𝘐𝘴𝘳𝘢𝘦𝘭 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘰: 𝘈𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢; 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢, 𝘢𝘬𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪."
Mga talata yan ng Lumang Tipan. Hindi pa nagkatawang-tao ang Panginoon dyan. Wala pa si Jesus sa kaanyuan bilang laman. Ang nagsasalita dyan ay ang Dios Ama, na Siyang iisang Dios na sinasamba ng mga angkan ni Jacob o Israel. Pagdating sa Apocalipsis 1:17-18, ganito ang sinabi ng Panginoong Jesus:
"𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢'𝘺 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢, 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘶𝘣𝘢𝘴𝘰𝘣 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘐𝘠𝘈 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘈𝘕𝘐𝘠𝘈𝘕𝘎 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘺, 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪, 𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬𝘰𝘵; 𝘈𝘒𝘖'𝘠 𝘈𝘕𝘎 𝘜𝘕𝘈 𝘈𝘛 𝘈𝘕𝘎 𝘏𝘜𝘓𝘐, 𝘈𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺; 𝘢𝘵 𝘈𝘒𝘖'𝘠 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘵𝘰, 𝘈𝘒𝘖'𝘠 𝘯𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘈𝘒𝘐𝘕 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘪 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘥𝘦𝘴."
Nakita nyo yan? Ang Panginoong Jesus ay ang nag iisang Dios sa katawang-lupa. Hindi Siya pangalawang persona, kundi Siya ang Una at ang Huli. Walang dios na nauna sa Kanya, at wala rin pagkatapos Niya.
Sa Apocalipsis 22:3-4, tinukoy ang Dios at ang Cordero sa langit na may IISANG TRONO, IISANG PANGALAN, AT IISANG MUKHA. Kung dalawang magkaibang persona ang Ama at ang Anak, bakit iisa lang ang mukha nila? At iisa lang ang pangalan nila? Kaya nga napakaliwanag ang sinabi ng Biblia: si JESUS ang larawan ng Dios na hindi nakikita. Siya ang SINAG ng kaluwalhaitian ng Dios, at ang PINAKA LARAWAN NG KANYANG PAGKA-DIOS (Hebreo 1:3).
Kaya sa Apocalipsis 22:6, ang tinutukoy na DIOS NG ESPIRITU NG MGA PROPETA na nagsugo ng Kanyang anghel para magpatotoo sa mga iglesia, ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus mismo:
Apocalipsis 22:16 - "𝘈𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰'𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘨𝘭𝘦𝘴𝘪𝘢. 𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘨𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘱𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘪𝘯𝘨𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘨𝘢."
Si Jesus ang UGAT at SUPLING ni David. Anong ibig sabihin ng Ugat? Siya ang pinagmulan o lumikha kay David bilang Dios, at Siya ang Supling ni David bilang Tao (Roma 9:1-5). Ang ibig sabihin ng Ugat ay Pinagmulan (Ancestor), at ang ibig sabihin ng Supling ay Bunga (Descendant).
Kaya tama ang mensahe ng awit na "Dios Ka Sa Amin", na tahasang tinukoy ang Panginoong Jesus bilang aming Ama.
Ganundin ang ipinapahayag ng lyrics ng kantang "Karapatdapat" ng original composer din ng kantang Dios Ka Sa Amin. Sabi sa lyrics:
"𝘋𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘯 𝘔𝘰, 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘔𝘈, 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘭𝘢𝘺. . ." Pagdating sa Koro ng awit, ganito ang sinabi: "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵, 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵, 𝘉𝘜𝘏𝘈𝘠 𝘔𝘖 𝘈𝘠 𝘐𝘠𝘖𝘕𝘎 𝘐𝘕𝘈𝘓𝘈𝘠".
Tama ang mensahe. Ang nag alay ng buhay sa krus ng kalbaryo ay ang Dios na nagkatawang-tao, ang Ama na nahayag sa Laman (Juan 1:1-3,14; 1Timoteo 3:16). "𝘋𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘸𝘢'𝘵 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘶𝘣𝘪𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯, 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰'𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘱𝘢, 𝘴𝘪 𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯" (Roma 5:8).
Hindi lang matanggap ng mga nagtuturo ng tatluhan na talagang si Jesus at ang Ama ay iisa, hindi lang sa pagiging iisa sa layunin at pagkakaisa, kundi iisa sila in numerical sense. The Father refers to the eternal Deity (Godhead), and the Son refers to the temporal Humanity (begotten Son, flesh).
Ang Verbo sa eternidad ay hindi pangalawang Persona ng Dios, kundi mismong LARAWAN ng Dios Ama bago pa likhain ang sanlibutan, na nilagyan Nya ng laman-lupa noong Siya ay nagkatawang-tao. Ayon sa Colosas 1:15-19, si Jesus ay ang Larawan ng Dios na hindi nakikita. Ang Dios na hindi nakikita ay ang Walang Hanggang Ama (Isaias 9:6). Si Jesus ang Misteryo ng Dios na nakatago sa sinaunang panahon ngunit ngayon ay hayag ng ipinapakilala (Colosas 1:25-27). Ang misteryo ng pagka-Dios ay hindi kung paanong ang iisang Dios ay naging dalawa persona o tatlong persona, kundi kung paanong ang nag iisang Dios ay nagkatawang-tao at nakilala ng lahat (1Timoteo 3:16). Kay Cristo nakatago ang lahat ng mga karunungan at kaalaman (Colosas 2:2-3). Ang lahat ng Kasulatan ay nagpapatotoo kung sino at ano si Jesus (Juan 5:39).
Ganyan din ang binanggit sa 1Timoteo 1:16-17 at 1Timoteo 6:14-16 —
"𝘎𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘢'𝘺 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰, 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰, 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘪𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘯𝘪 𝘑𝘌𝘚𝘜𝘊𝘙𝘐𝘚𝘛𝘖 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘶𝘩𝘰𝘥 𝘕𝘐𝘠𝘈, 𝘯𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘮𝘣𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘴𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘈𝘕𝘐𝘠𝘈, 𝘴𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘣𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯. 𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘏𝘈𝘙𝘐𝘕𝘎 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢, 𝘚𝘈 𝘐𝘐𝘚𝘈𝘕𝘎 𝘋𝘐𝘖𝘚, 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘸𝘢𝘭𝘩𝘢𝘵𝘪𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘯. 𝘚𝘐𝘠𝘈 𝘯𝘢𝘸𝘢."
"𝘕𝘢 𝘵𝘶𝘱𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘵𝘰𝘴, 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘯𝘨𝘪𝘴, 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘪𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕𝘎 𝘑𝘌𝘚𝘜𝘊𝘙𝘐𝘚𝘛𝘖: 𝘕𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘈𝘕𝘐𝘠𝘈𝘕𝘎 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘚𝘐𝘠𝘈, 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘛𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘎 𝘔𝘈𝘒𝘈𝘗𝘈𝘕𝘎𝘠𝘈𝘙𝘐𝘏𝘈𝘕𝘎 𝘏𝘈𝘙𝘐 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘩𝘢𝘳𝘪, 𝘢𝘵 𝘗𝘈𝘕𝘎𝘐𝘕𝘖𝘖𝘕 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯; 𝘕𝘢 𝘚𝘐𝘠𝘈 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯; 𝘯𝘢 𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰, 𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘯: 𝘚𝘜𝘔𝘈𝘒𝘈𝘕𝘐𝘠𝘈 𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯. 𝘚𝘐𝘠𝘈 𝘯𝘢𝘸𝘢."
Sinabi ni Jesus, "𝘼𝙠𝙤 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙢𝙖 𝙖𝙮 𝙞𝙞𝙨𝙖" (Juan 10:30). Iisa lamang ang Ama (Malakias 2:10). Ang AKO YAONG AKO NGA na nagpakita kay Abraham ay Siya ring Panginoong Jesus na nagpakilala ng Kanyang sarili sa mga Hudyo (Genesis 6:3; Exodo 3:14; Juan 8:56-58).
Si Jesus ang Emmanuel or God with us (Isaias 7:14; Mateo 1:23), ang Kanyang pinagmulan ay mula sa walang hanggan (Micah 5:2). Ayon sa Mateo 1:21, si Jesus ang inihula ni Isaias na Jehovah na naging Tagapagligtas (Isaias 12:2; Isaias 43:10; Tito 2:10; Judas 1:25).
Ang iisang Banal ng Israel ay Siyang Ama at Manunubos (Isaias 63:16). At malibang maniwala ang tao sa sinabi ni Jesus na Siya ang Ako Nga, mangangamatay ang tao sa kanyang mga kasalanan (Juan 8:24).
TANGGAPIN MO NA SI JESUS ANG NAG-IISANG DIOS NA BUHAY NA MAKAPANGYARIHAN. AT HAYAAN MO NA ANG KANYANG BANAL NA ESPIRITU ANG MAGTURO SAYO SA LAHAT NG KATOTOHANAN (Juan 14:26).