23/05/2026
PEACE AND ORDER sa pangunguna ng ating butihing Bise Presidente Lenny Ong at mga kanilang Civilian Guards.
Mula sa inisyatibo ng Board of Directors (BOD) 2025–2027 ng Greenbreeze Village 1 Homeowners Association Inc., katuwang ang mga komite ng Maintenance, Beautification, Ways and Means, at Peace and Order, kasama rin ang mga residente sa kani-kanilang mga kabahayan, matagumpay na naisagawa ang malawakang Clean-Up Drive.
Nagsimula ang programa noong May 23 2026 sa isang libreng seminar ukol sa Dengue Prevention para sa orientasyon sa mga maintenance at para naman sa seguridad nagkaroon din ng pagpupulonb upang maisagawa ito ng mas maayos ito kinabukasan May 24, 2026 ang malawakang Clean Up drive sa kapaligiran, na sinundan ng drainage clean-up sa mga kanal ng subdibisyon.
Insiyatibo din ang pagfogging ng barangay langkaan 2 sa lugaran ng Office ng Greenbreeze Village 1 Homeowners Association Inc at ng Greenbreeze Elementary School para maiwasan ang pagdami ng lamok at iba pang sanhi ng sakit.