27/04/2025
Ang Tinig ng Senior Citizen Party-list Platform: K*K---Kalusugan, Kabuhayan, at Karapatan
1. KALUSUGAN- Para sa Malusog at Malakas na Senior Citizens
✓ Libreng Gamot at Pagpapagamot- Itaguyod ang libreng hospitalization, check-ups, at mas mataas na medicine allowance.
✓ Home-Based Care Program- Maglaan ng libreng home medical visits para sa bedridden at may malubhang sakit na seniors.
✓ Mas malawak na PhilHealth Coverage- Siguraduhin ang 100% PhilaHealth coverage para sa lahat ng seniors.
✓ Senior-Friendly Transportation- Magpatupad ng mga batas para sa libreng o mas murang pamasahe at senior-priority seats sa pampublikong sasakyan.
2. KABUHAYAN- Para sa Matatag at May Seguridad na Pinansyal na Seniors
✓Mas Mataas na Pension- Itaas ang buwanang social pension mula P500 to P1,500 upang tugunan ang pangangailangan ng seniors.
✓Trabaho para sa Seniors- Magbigay ng tax incentives sa mga negosyo na kukuha ng senior employees upang bigyan sila ng pagkakakitaan.
✓Puhunan at Livelihood Programs- Maglaan ng pondo para sa small businesses grants at livelihood assistance para sa seniors na nais magsimula ng negosyo.
3. KARAPATAN- Para sa Protektado at Respeto sa Dignidad ng mga Seniors
✓ Mas Malakas na Gobyerno Support - Pabilisin at gawing mas accessible ang pension at iba pang benepisyo para sa seniors.
✓ Digital Inclusion Program- Magbigay ng libreng digital literacy training upang maturuan ang seniors sa paggamit ng smartphones, social media, at online banking.
✓ Proteksyon Laban sa Pang-aabuso- Palakasin ang mga batas laban sa elder abuse, financial exploitation, at abandonment sa homes for the aged.
✓ Centenarian Program- Panatilihin at palawakin ang 100, 000 cash gift sa mga seniors na aabot sa edad na 100.
Sa pamamagitan ng K*K- Kalusugan, Kabuhayan, at Karapatan, ang Tinig ng Senior Citizen Party-list ( #97) ay titiyakin na walang senior citizen ang mapapabayaan at lahat makakatanggap ng sapat na suporta, respeto, benepisyo mula sa gobyerno.