05/12/2025
๐๐๐๐๐๐ | ๐จ๐ฟ๐ฐ๐จ ๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐
๐๐๐๐๐
Isinagawa na ang seremonya ng pagsisimula ng AXIA 2025, na pinangungunahan ng English, AP, at Values Education Department, ngayong Disyembre 02, 2025 sa Notre Dame of Cotabato (NDC) Gymnasium.
Sa kahulugan ng โAXIAโโang sinaunang salitang Griyego para sa tunay na halaga, partikular na tumutukoy sa ethical valueโipinapakita nito na mahalaga ang kaganapang ito para sa kapakanan ng mga estudyante sa pagkatuto ng mga aral ng English, AP, at Values Education at kung paano pinagsama ang mga ito.
Una, nagkaroon ng panalangin ng Caring Circle Ministry sa pamamagitan ng isang interpretative dance para sa mga Kristiyano, at panalangin mula kay G. Zulqarnain P. Tampogao, Jr., isang mag-aaral sa ikapitong baitang, para naman sa mga Muslim. Ipinakita rin sa Audio-Visual Presentation (AVP) ang National Anthem, BARMM Hymn, at Cotabato Hymn.
Kasunod nito, ipinalabas ang Trailer Video at ang Opening Salvo na pagtatanghal ng NDC Dance Varsity. Pagkaraan, nagbigay ng pambungad na pananalita si Br. Pepito Mahong, FMS.
Paglaon, pormal na idineklara ni Gg. Windy Quiรฑones, LPT ang pagbubukas ng AXIA. Sinundan ito ng Teaser Video tungkol sa mga paghahanda bago ang AXIA, at ang paglalahad ng mga naunang nahusgang paligsahan, mga layunin, at mga paglalarawan sa AVP.
Samantala, isinagawa ang pagpapahayag ng mga nagwagi para sa Adhan na inilahad ni Gg. Anisa P. Panalandang, at para sa Digital Movie Poster ng ikasiyam na baitang na inihayag ni G. Julius Patrick P. Bayucan.
Pagsapit ng hapon, inihatid ni G. Joseph Julant T. Wong ang paglalahad ng mga layunin, paglalarawan, at mga hukom para sa gaganaping Smart Talk. Matapos nito, ipinresenta ang entries #1โ3 nina G. Galyan Angon, G. Brett Gertos, at G. Zian Jally.
Inilahad naman ni G. Lovely B. Gutierrez ang mga nagwagi sa Advocacy Winning Video, si G. Janet B. Apostol sa Trailer winner, at ni G. Vitche P. Vicente sa Film winner. Pagkatapos nito, ipinamalas ng bawat baitang G12 ang kanilang speech choir para sa eliminasyon.
Sunod nito, ipinroklama ni G. Michael E. Monsendo ang mga nagwagi sa Smart Talk, at inilahad naman ni G. Bayucan ang Top 3 na pumasok sa speech choir.
Sa huli, inawit ng mga Maristas ang Marist Hymn to Mary, at masayang binati ng mga emcee ng programa, sina G. Afiz Jahar M. Samula at Gg. Acee J. Cepeda, ang madla.
โ๏ธ katanirablu
๐ท Bulalakaw
๐ 538