07/09/2026
TINGNAN: Isang mabigat at malungkot na balita ang ating natanggap. Ang Bangsamoro Kaagapay OFW'S Federation Inc. (BKOF) at Bangsamoro Exit Overseas Workers Association BEOWA BARMM ay nakikidalamhati at nananawagan ng tulong sa publiko upang agarang matukoy, maabot, at makaugnayan ang pamilya o mga kaanak ng ating kababayang yumao sa bansang Saudi Arabia.
Ayon sa opisyal na impormasyon mula sa Migrant Workers Office (MWO) - ATN Unit:
Pangalan: A***N RAJAB GUIAPAL
Passport No.: P6245545B
Petsa ng Pagpanaw: Setyembre 3, 2026
Lugar ng Pagpanaw: Taif, Kingdom of Saudi Arabia
Lugar ng Pinagmulan: Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
Sa kasalukuyan, wala pong direktang kontak ang amo sa kanyang immediate family. Layunin po ng panawagang ito na matulungan ang pamahalaan at ang pamilya para sa nararapat na koordinasyon hinggil sa repatriation o sa magiging burial arrangements ng ating kababayan.
📌 PANAWAGAN SA MGA KAPATID NATING MAGUINDANAON:
Kung kayo ay may kakilala, kamag-anak, o may anumang impormasyon sa pamilya o mga magulang ni A***n Rajab Guiapal sa Datu Odin Sinsuat, mangyaring makipag-ugnayan agad sa BEOWA BARMM o sa tanggapan ng DMW, MOLE at OWWA BARMM.
Sa lahat ng ating mga Chapter Presidents at BEOWA Members, hiling po namin ang inyong tulong na i-share at i-broadcast ang post na ito upang agad itong makarating sa mga
naghihintay niyang mahal sa buhay.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at tulong. Panginoon na ang bahala mag-gabay sa pamilya sa panahong ito ng kanilang kalungkutan.
📷 CCTO : Brigada News Fm
__________________________________________
Suaib Hussain Al-haj
BEOWA PRESIDENT
BKOF FOUNDER CHAIRMAN