23/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐.
Sa bawat salitang ating binibigkas, may kuwentong dala, kulturang pinanghahawakan, at pagkakakilanlang ipinapahayag. Gaya nga ng sinabi ni ๐ฉ๐ถ๐น๐ด๐ถ๐ฟ๐ถ๐ผ ๐ฆ. ๐๐น๐บ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ, o mas kilala sa kanyang sagisag-panulat na ๐ฅ๐ถ๐ผ ๐๐น๐บ๐ฎ, isang makata, manunulat, kritiko, patnugot, g**o, at tagapagtaguyod ng kultura, โ๐จ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐โ Dahil ang wika ay hindi lamang paraan upang tayo ay magkaunawaan, ito rin ang paraan upang maipakilala natin kung sino tayo at kung ano ang ating pinahahalagahan.
Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipagdiwang at pahalagahan ang wikang patuloy na nag-uugnay sa bawat isa. Sa bawat salitang ating ginagamit, may kulturang naipapasa, kuwentong naipagpapatuloy, at pagkakakilanlang nananatiling buhay.
Bilang mga kabataang negosyante, mahalaga ring matutunan nating gamitin ang wika hindi lamang sa pagpapahayag ng ating mga ideya, kundi sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtulungan, at pagbuo ng mga ugnayang nagbibigay-buhay sa ating mga layunin. Sapagkat bago pa man maging produkto ang isang ideya, kailangan muna itong maisalaysay, maipahayag, at maunawaan.
Ngayong Buwan ng Wika, patuloy nating gamitin, pahalagahan, at buhayin ang wikang atin. ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐๐ข๐ ๐ค๐๐ฌ, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ; ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ค๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ก๐ข๐ง๐๐ก๐๐ฒ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฐ๐๐ฅ๐.
๐ฆ๐๐บ๐๐๐๐ผ๐ | ๐ฌ๐บ๐๐๐บ ๐ฅ๐บ๐๐๐๐บ ๐ด. ๐ก๐บ๐๐๐๐๐
๐ถ๐๐๐ฝ๐ | ๐ฃ๐๐๐๐พ๐๐
๐พ ๐น๐๐บ๐ผ๐๐บ๐๐๐พ T. ๐ซ๐๐