15/08/2026
✨LYORP Caravan 2026 ✨🚚
Matagumpay na isinagawa ang LYORP Caravan noong August 14, 2026 sa Tanggulan Arena – Conference Room, sa pangunguna ng LYDO Kawit sa pamumuno ni Sir Santera Rubman.
Dinaluhan ito ng mga School Clubs/Organizations (SCOs) ng ETTMNIHS, kung saan naging makabuluhan ang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan para sa ating mga student leaders at advisers.
Nagbahagi sina John Paul Abella at Jeanette Repani Linde tungkol sa tamang proseso ng pagpaparehistro ng mga samahan sa NYC at CSO, upang mas maging maayos at organisado ang pamamahala ng bawat student organization. 📚
Samantala, nagkaroon din ng session si Kristine Nuel Olatan, isang Certified Mental Health Trainer, para sa HINGA, KILALANIN, TANGGAPIN—isang makabuluhang talakayan tungkol sa Emotional Management and Awareness. 🧠💙
At syempre, naging mas masaya ang pagtatapos ng programa sa pamamagitan ng Gift Raffle para sa ating mga student leaders at advisers! 🎁🎉
Maraming salamat sa Lydo Kawit, sa mga resource speakers, student leaders, advisers, at lahat ng naging bahagi ng makabuluhang caravan na ito. Sama-sama nating palakasin ang youth leadership, organization, at mental health awareness! 💪💙
📸 Athena Salvador Dizon I SSLG Vice President