10/10/2026
RIENNE'S LOVE & LIGHT CHARITY
Isang poster, tatlong paraan para magbigay ng pag-asa ngayong Pasko! 🎅
Ngayong December 20, 2026, gaganapin ang Christmas Party ng ating 50 na munting mandirigma na patuloy na lumalaban sa cancer at ibat ibang uri ng karamdaman, At para maging masaya at kumpleto ang kanilang Pasko, inilunsad po namin ang 3-in-1 Christmas Donation Drive:
🎁 SECTION 1: NOCHE BUENA PACKAGE
Para sa kanilang salo-salo:
Spaghetti Set, Carbonara Set, Fruit Cocktail, Condensed Milk, Alaska Crema at Cheese
🍎 SECTION 2: FRUIT BASKET
Para sa masustansyang handa:
Apple, Orange, Grapes, Pineapple, Banana
🥣 SECTION 3: BREAKFAST PACK
Para sa araw-araw na almusal na malambot at masustansya sa kanila:
Fresh Milk, Cereal, Oat meal, Instant Champorado, Ready to Mix Pancake.
Walang maliit na tulong pag galing sa puso. Bawat donasyon mo ay ngiti ng isang bata at ginhawa ng isang pamilya.
📩 Para mag-donate, mag-message po sa aming page
Open for Drop-off / Pick-up / Lalamove
From the bottom of our hearts, *THANK YOU* sa lahat ng patuloy na sumusuporta. Sabay-sabay nating iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban.
MERRY ANG PASKO PAG MAY MALASAKIT! 🩷☘️