20/04/2026
Update sa pusang nakanganak sa kalsada.
Apat ang mga kuting niya at lahat ay mahihina.
Ito ay dahil sa hirap na dinanas nila kahapon.
Magkakahiwalay sila ng lugar, hindi matiyak ni ate Em kung gumapang sila o nasipa ng mga taong dumadaan. Dahil may dugo ang katawan, nabalutan sila ng lupa at ang iba ay may langgam na.
May unusual behavior si Mama Cat na minomonitor namin mula kahapon. Nag stay sila sa isolation area. SOP ito sa lahat ng bagong rescue.
May aggression si Mama Cat, which is normal naman. Ayaw niya magpadede ng mga anak niya. Kapag inilalapit sa kanya, kinakagat niya. Wala siyang interes sa kahit anong ialok sa kanya.
Pagkalinis namin sa mga kuting, kami na ang nagbigay ng milk. Mabuti at may kitten milk pa kami na naitabi.
Mahirap mag alaga ng neonatals. It requires patience and full time na pag aalaga. Mas mahirap kapag ganitong mahihina. Hindi pwedeng hindi batayan. Mabilis sila magfade.
Sa location kanina kung saan narescue ang Mama Cat. Walang nakakakilala sa kanya. May mga strays sa area, pero somehow kilala nung mga vendors doon dahil napapakain nila.
Iniisip namin at patuloy naming inaanalize ang nangyari sa hayop kapag may ganito kaming bagong rescue. Mahalaga kasi na maunawaan namin ang pinagdadaanan nito upang sa ganon ay malaman namin kung paano ito matutulungan.
Kaya ang โrescueโ ay hindi lang pag dampot sa hayop, iuuwi, papakainin, bibigyan ng tirahan.. tapos ok na.
Higit pa doon ang tulong na kailangan. May mga rescue na nasa loob ang sugat. Kailangan mong hanapin ang sakit para magamot. Pero minsan kahit gamutin, hindi ito naghihilom.
Hinala namin ay iniwan o naligaw lang doon si Mama Cat sa area, kaya sa sobrang stress at gutom ay napa anak siya ng maaga. Hindi siguro maprocess ng isip niya ang lahat ng mga nangyari kaya hanggang ngayon ay tulala lang siya.
Anuโt anuman, ang mahalaga ay safe na sila. We named the Mama Cat, Kai. Sabi namin sa kanya, its ok kung galit siya, basta kumain lang siya. Kami na din bahala sa mga anak niya, wag na siya matakot o mag alala.
Pinahahalagahan natin ang lahat ng buhay. Kaya kahit 1 pusa lang yan, kahit malayo pa, kahit mahirap, sinisikap natin (sa abot ng makakaya) na marescue agad. Salamat sa mga nagpa abot ng tulong para sa rescue ng magiinang ito.
Sa mga nais pa din magbigay ng donation para kay Kai at kanyang mga anak, ilalaan na po namin ang funds para sa kanilang pagkain, medical check up at ibang basic needs.
Donation Details >
Gcash: 0906 235 2037 (Arizza D)
Gcash: 0956 235 9856 (Arizza D)
Alternative Gcash: 09955904958 (Radzmier S)
Maya: 0995 590 4958 (Radzmier S)
GOTYME: 0153 0512 4371 (Radzmier S)
Union Bank: 1093 3059 2423 (Radzmier Salazar)
BPI | Bank Of The Philippine Islands
Account Number: 1279-1144-14 (Arizza Dungca)
Swiftcode: BOPIPHMM
Address: 5224 BPSS LOT, AMADEO, BRGY 6, CAVITE, 4119
PAYPAL: [email protected]