ALAB Tanzeño

ALAB Tanzeño Samahan ng mga boluntaryo naglalayong makatulong sa loob at labas ng komunidad ng Tanza

09/06/2026

𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 📚🎒

Noong Sabado, June 6, nagpamahagi tayo ng 80 bags at 200 notebooks sa mga estudyante sa Riverside, Halayhay.

Ang Gabay Eskwela ay taunang proyekto ng ALAB Tanzeño na layuning makapagbigay ng munting school supplies sa mga mag-aaral bago magsimula ang panibagong akademikong taon.

Ang programang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng aming sponsors, volunteers, at mga taong walang sawang sumusuporta sa mga proyekto ng ALAB Tanzeño para sa komunidad.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming sponsor at sa lahat ng nakibahagi upang maisakatuparan ang programang ito, umulan man o umaraw. Dahil sa inyong suporta, muli nating naihatid ang tulong at saya sa mga estudyanteng nangangailangan.

Nais din naming pasalamatan ang SK Halayhay, sa pangunguna ni SK Chairman Ghino Arle, sa pakikibahagi at pagbigay ng mga biscuits at inumin, pati na rin sa kanilang pag-asikaso at pagtulong upang muli naming mabisita ang Riverside, Halayhay.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Gabay Eskwela 2026. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay-gabay at pag-abot sa mas marami pang kabataang Tanzeño. 💕🤗


Isang maaasahang lingkod-bayan mula Amaya III.Isang tapat at mahusay na katuwang sa ALAB Tanzeño.Maraming salamat sa iyo...
22/04/2026

Isang maaasahang lingkod-bayan mula Amaya III.
Isang tapat at mahusay na katuwang sa ALAB Tanzeño.

Maraming salamat sa iyong hindi matatawarang sipag, tiyaga, at sa busilak mong puso na laging handang tumulong sa nangangailangan. Ang iyong kontribusyon sa ALAB Tanzeño at ang iyong dedikasyon sa iyong barangay at buong komunidad ng Tanza ay hinding-hindi mabubura sa aming mga alaala.

Paalam,
SEIGFREY "BULOG" C. ABAD 🕊️
(1994 - 2026)

Hanggang sa muli.

Address

Tanza
Cavite
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALAB Tanzeño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share